For sale: Bahay sa tabi ng sementeryo

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ang taxi at nakitang ibinaba ng driver si Spears sa Reserve Apartments, tinatayang tatlonh milya ang l a y o mu la sa bangko. Inaresto ng mga pulis si Spears sa kasong robbery. —

MICHIGAN, USA— Kakaiba ang ibinebenta ng isang real estate agent sa bayan ng Dewitt: mga bahay at lupa sa tabi ng sementeryo.

Naniniwala si Shane Broyles na mayroong “market” sa mga ganitong lugar dahil marami ang may gusto ng “tahimik na kapitbahay.”

Ang bahay ay mayroong apat na kuwarto at malaking garden.

Sa harap ng ibinebentang bahay ay nakatayong karatula na “quiet neighbors” na agad namang nag-trending nang naipaskil sa social media.

Sa panayam ng Lansing State Journal, sinabi ni Broyles na hindi niya ginamit ang biro para ibenta ang bahay. “There’s not much point to life without some fun,” sabi niya.

Gusto naman ng nagbebenta na si Deborah Perrin ang karatula na “quiet neighbors”.

Tiniyak din ni Perrin na walang bagong subdivision na itatayo sa sementeryo. — MAINE, USA— Pinadalhan ng subpoena ang isang lalaki na naaktuhang nagsa-sunbathing nang hubo’t hubad ng mag-ina na nagne-nature trail.

Ayon sa ulat, naispatan ang 67-anyos na si Ricky Thompson nagsasunbathing nang walang saplot nang maispatan ng mag-ina sa Waterville noong Huwebes.

Agad tumawag pulis ang ginang sa at inireklamo ang “naked elderly man” na may walker.

Pumunta ang mga pulis sa lugar dahil inakala nilang may isyung medikal ang matanda.

Ayon sa mga imbestigador, nakahubad si Thompson nang maabutan nila.

Sinabi ni Bonney na nakatanggap na ang pulisya ng kaparehong mga reklamo bagamat walang ebidensiya. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.