COCO, YAM SUPER CLOSE NA; 'PERSONALAN' ANG USAPAN KAPAG NASA TAPING NG 'PROBINSYANO'

Bandera (Mindanao) - - NEWS - COCO MARTIIN AT YAM CONCEPCIION BY REGGEE BONOAN KZ TANDIINGAN

KZ: Wag kayong magpapadikta kahit kanino!

SITSIT ng aming source, madalas daw magkakuwentuhan sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sina Coco Martin at Yam Concepcion kapag sila'y naka-break at naghihintay ng kanilang mga eksena.

Marami raw silang mga bagay-bagay na pinaguusapan lalo na pagdating sa career path at mga projects ng gusto pa nilang gawin in the future.

Pero ayon sa aming source, never naman daw pinag-usapan ng dalawa ang tungkol sa kanilang lovelife dahil nagkakahiyaan pa.

Kaya namin ito naikuwento ay dahil maraming nagsabing maganda ang partnership nina Coco at Yamsa kanilang serye at may nababasa na nga kaming tagasuporta ng CocoYam loveteam. Agree kami dahil may chemistry naman talaga sila sa Ang Probinsyano.

O, baka kaya hindi rin naman nagtatanong si Coco tungkol sa lovelife ni Yam ay dahil alam nitong may boyfriend na ang dalaga dahil kilala namin ang aktor, may mga pagkakataong nagpapaimbestiga rin siya sa mga kasama niya sa trabaho.

Samantalang si Yam naman ay hindi rin nagtatanong hangga’t hindi nag-o-open sa kanya, pero naririnig naman niya ang pangalan ni Julia Montes na nali-link nga kay Coco.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng FPJ’s Ang Probinsyano ay muling nalagay sa peligro ang buhay ni Cardo (Coco) dahil kumalat na sa social media ang video na nagpapakitang kasama niya ang rebeldeng grupong Pulang Araw.

Nagwagi si direktor Hipolito ( John Arcilla) na sirain ang pangalan ni Cardo sa publiko matapos nitong ipakalat ang video na kasama ang mga tagaPulang Araw sa pagsugod sa isang grocery store.

Ngunit mas titindi pa ang panganib dahil mas lumalapit na ang posibilidad na masiwalat sa mga rebelde na miyembro ng Special Action Force si Cardo, na maglalagay sa buhay niya sa bingit ng kamatayan.

Sa kabila ng patuloy na operasyon ng mga kalaban ay hindi naman padaraig si Cardo dahil nadiskubre niya na ang pagtatraydor ni Alakdan ( Jhong Hilario) sa grupo at ang makasariling plano nitong angkinin ang pagkapinuno ng PulangAraw. Makakasama na rin nito si Anton ( Mark Lapid) sa pag-aklas na lalong magpapalaganap ng kasamaan at kikitil ng mga inosenteng buhay.

Malusutan pa kaya ni Cardo ang mga kalaban? Paano niya nga kaya matatalo si Alakdan at Anton? Magtagumpay naman kaya si direktor Hipolito na tapusin si Cardo? Abangan ang FPJ’s Ang Probinsyano gabig a b i sa Primetime Bida ng ABSCBN.

Kinampihan ng kanyang followers si KZ Tandingan matapos itong sumagot sa isang basher na nanlait sa kanyang fashion style.

Sa kanyang Instagram account, sinabihan ng singercomposer ang kanyang hater na huwag siyang ikumpara sa ibang artists dahil meron naman daw siyang sariling style sa pananamit at sa pagiging mang-aawit.

"N.E.V.E.R ALLOW OTHER PEOPLE TO TELL YOU WHO YOU ARE, WHO YOU SHOULD BE, WHAT LOOK LIKE," post ni KZ.

Dagdag pa niya, "Don't tell me to be like Ms. Sarah G ( Geronimo), Ms. Angeline ( Quinto) or Klarisse ( de Guzman), because I want to be myself. And being myself is expressing what I feel, in my music and in my style.

"I understand if I'm not the artist na gusto mo, but stop telling people who they should be, what they should look like," pahayag pa ni KZ.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.