Maja, Gerald, Aiko, Tirso naghatid ng good vibes sa mga sundalo at mga health worker

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga nagpapagaling na sundalo at masisipag na health workers sa Victoriano LunaMedicalCenter(VLMC) na magsaya at magpahinga nang dalhin ng ABS-CBN ang cast ngWildflower at It’s Showtime at nagsagawa ng isang programa para sa ika-80 na anibersaryo ng ospital.

“Sa loobng 29 taon ko sa serbisyo, ngayon ko lang nakita ang VLMC nang ganito. Maraming salamat sa ABSCBN. Maski sa labas marami panggustongmanood,”sabini Col. Patrick de Leon, deputy commander ng AFP Health Service Command.

Nakasama nila sa celebration sina Maja Salvador, Gerald Anderson, Aiko Melendez at Tirso Cruz III. Ito na angsecondtimenanagtanghal ang mga artista ng Dos para magpakita ng suporta sa ating mga sundalo na ngayon ay pansamantalang tahanan ang VLMC upang magpagaling mula sa mga sakit at sugat na tinamo sa pagtatanggol sa bayan.

Nauna na ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto sa pagpapasaya, pagpapatawa, pagpapasayaw, pagpapakanta at pagpapakilig hindi lang sa mga pasyente kundi pati sa kanilang mga caregiver, at iba pang staff ng ospital.

Binuksan ng GirlTrends at dating Your Face Sounds Familiar contestant na si Eric Nicolas ang programa na sinundan naman ng “Cash-Ya” kasama ang mga sundalo at ang co-host na si Roxanne Barcelo at Ryan Bang. Nagtanghal din ang finalists ng Tawag ng Tanghalan na sina Noven, Froilan at Marielle habang sumalang din naman sa “Sundahula” si Aiko.

May sakit ang kontrabida ng “Wildflower,” pero nagpursugi itong magpunta para makiisa sa selebrasyon. “Nu’ng sinabi nila sa akin na para ito sa mga taong nagsisilbi sa bayan bumangon talaga ako,” aniya.

Nagbigay pugay din ang iba pang mga Kapamilya stars tulad nina Miko Raval, RK Bagatsing at JosephMarco sa mga bagong bayani ng bayan. Espesyal din ang sandaling iyon para kay Vin Abrenica, dahil nagsilbi rin sa bayan at watawat ng Pilipinas ang kanyang ama at lolo.

AniTirso,“Masayakaming mga ordinaryong mamamayan dahil nakakatulog kami ng mahimbing at tahimik dahil alam namin na pinagtatanggol niyokami.Malakiangutangna loob namin sa inyo.”

Nagdiwang naman ang mga manonood ng tumuntong na sa entablado si Ivy Aguas para sa ilang song-anddance numbers. Pero binalik muli ni Maja ang atensyon sa audience at sinabing, “Maraming salamat sa pagiging inspirasyon niyon at pagbibigay ng lakas niyo para sa bayan. Kayo ang mga bagong bayani ng Pilipinas!”

Hindi naman nagpahuli ang mga sundalo sa pagpapakitangtalento.Maykumanta, may tumugtog ng violin, at isang banda ang bumanat ng rock classic na “Sweet Child of Mine” sa pamumuno ng hepe ng Department of Medicine ng ospital na si Lt. Col. Nerio Zabala.

Sa pagtulong sa pag-ibsan ng sakit na dinaranas ng mga bayaning lumalaban para sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng entertainment at public service, muling naisabuhay ng ABS-CBN ang misyo nitong maging “In the Service of the Filipino”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.