SUPER HOROSCOPE

Kailan magkaka-boyfriend?

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

Sulat mula kay Ruth ng Poblacion, Tambuling, Zamboanga del Sur

Sulat mula kay Ruth ng Dear Sir Greenfield,

Matagal na akong walang boyfriend, simula ng iniwan ako ng boyfriend kong Hapon. Actually nakapunta na ako ng Japan ang kaso inagaw sa akin ng kapwa din natin Pinoy yong boyfriend ko at imbis na ako ang pakasalan sila ang nagpakasal. Naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kailan kaya uli a k o ma g k a k a - boyfriend ng seryoso at pangmatagalan? Noong dati pangarap kong makapag-asawa talaga ng foreigner, pero sa ngayon mas prepare ko ang Pinoy. Kailan kaya siya darating at kailan kaya ako makapag-aasawa at anu-anong mga zodiac signs ang ka-compatible ko? April 12, 1989 ang birthday ko. Umaasa, Ruth ng Zamboanga del Sur Solusyon/Analysis: Palmistry: Kapansin-pansing agad tumubo, lumago, kumapal at humaba ang ikalawang mas malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa ikalawang pakikipagboyfriend, ito ay magiging seryoso na, na sa badnang huli ang ikalawang boyfriend na ngang ito ang tuluyanmong makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya. Cartomancy:

Seven of Hearts, King of Clubs, at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang l a l a k i ang darating sa iyong harapans sa taon ding ito ng 2017, ikaw ang mamilili sa dalawang manliligaw mo, kung iyong halos kasing edad mo rin o iyong mas matanda sa iyo ng lima hanggang 7 taon? Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.