Ano ang kaya mong gawin para sa iyong paniniwala? (2)

TOTOO O KWENTONG BARBERO

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

MAY mga tao na talaga naman na "to the next level" ang paniniwala sa Diyos.

Para sa kanila hindi sapat na nagdarasal at gumagawa ng mabuti, kailangan pa nila ng todong sakripisyo para ipakita ang pagmamahal sa Diyos.

Ayon sa isinulat ni Alicia Sarkar sa ListVerse, may mga natatanging tao na ipinamalas ang kanilang labis na paniniwala sa pamamagitan ng bagay na di kayang gawin ngmga ordin a r yon g mananampalataya.

Ikot

Karaniwan na Hindu devotional practice ang pag-ikot sa templo o religious icon ng pa-clockwise o naaayon sa ikot ng relo.

Kailangan din na ang kanang bahagi ng katawan ang nakaharap sa sentro ng templo bilang simbolo ng pagrespeto.

Marami ang gumagawa nito sa katirikan ng araw upang mapatunayan ang kanilang debosyon.

Mas mahirap naman ang bersyon ng pag-ikot sa mga templo sa Mariamman sa South India.

Sa halip na maglakad, nagpapagulong-gulong sila paikot sa templo. At kung ano man ang nasa daan ay kailangan mong gulungan.

Mayroong mga deboto na nagpapakita ng kanilang paniniwala sa pamamagitan nito at gumugulong paikot sa templo nang 108 beses sa isang session.

Sakripisyo

Maraming mga naging follower ang Iranian god na si Mithra noong unang panahon. Hindi lamang siya sinasamba ng mga nabuhay noong Zoroastrian period kundi dinala rin siya sa Roman Empire.

Angmga unang deboto nito ay ang mga sundalong Romano na lumaban sa Persian Empire.

Sinasabi na ang kultong ito ay exclusive lamang sa mga lalaki.

Bago makasali ay maraming initiation rites na pagdaraanan at marami sa mga ito ay katulad ng mga pinagdaraanan ng mga pumapasok sa kasalukuyang fraternity.

Mayroon din silang ritwal sa pagkain ng "toro" na pinatay sa ilalim ng isang ritwal.

Ang papel ng toro ay ginagampanan ng isang miyembro. Ang gaganap sa pape l na a lay ay pinipiringan at ipinaparada bago siya pinapatay kunwari.

Gulay

Mula Third century hanggang sa 15th, ang Manichaeism ang isa sa pangunahing relihiyon sa mundo.

Pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong naglaho. Ngayon ito ay makikita na lamang sa mga libro at artifacts.

Gaya ng Katoliko at Orthodox Christianity, ang Manichaeism ay mayroon ding pari at iba pang taong simbahan.

Ang mga naglilingkod sa simbahan ay nangangako ng pamumuhay nang simple at pamumuhay nang walang asawa.

Pero wala silang alak gaya ng ginagamit sa misa ng mga Katoliko.

Ang mga Manichaean monk ay pinagbabawalan na magtrabaho upang magkaroon ng pera. At ang pwede lamang nilang kainin ay gulay.

May paniniwala sila na kahit na ang mga halaman ay mayroong kaluluwa.

Kapag kinain nila ang gulay na ibinigay sa kanila ng kanilang mga tagasunod, naniniwala sila na pinakakawalan nila ang kaluluwa ng pagkain.

Kutsilyo

Ang Urs ay isang pista ng mga Sufis na tumagal nang anim na araw. Ang pinakasikat na pagdiriwang nito ay sa Ajmer.

Ang pista ay para sa araw ng kamatayan ni Moinuddin Chishti, na kanilang sinasamba.

Bagamat ang santo ay isang local figure, marami ang dumarayo mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang makiisa sa pagdiriwang.

Sa loob ng anim na araw pinapahirapan ng mga lalaki ang kanilang sarili.

Kasama rito ang paglalakad ng 75 milya upang mabisita ang simbahan, pagbubutas sa kanilang balat upang makapagsabit ng hook. Mayroong iba na dinudukot ang kanilang mata gamit ang kutsilyo.

Hindi umano dapat masamain ang ginagawa nilang ito dahil ito ay pagpapakita lamang nila ng kanilang busilak na paniniwala.

Hubad

Ang Jainism ay isang sinaunang relihiyon. Mayroon itong ilang tagasunod sa India.

Mayroon din silang vegetarianism at pacifism o paniniwala na hindi solusyon ang gulo o gera.

Ang Jain monastics ay nahahati sa dalawang order— ang Svetambara at Digambara.

Ang dalawang order ay sumusunod sa mga code gaya ng pagiging mahinahon at paglayo sa pagiging bayolente, hindi pagsisinungaling, pagpapakasal, pagpili sa kakainin at hindi pagpatay kahit na ng mga insekto.

Ang mga Svetambara ay madalas na naglalakbay at umaasa sa limos, samantalang ang Digambara ay sinasagad ang katawan.

Angmga Digambara ay madali ring maihiwalay sa Svetambara dahil wala silang suot na damit.

Ang male-exclusive na Digambara ay kalimitang naglalakbay sa iba’t ibang lugar upang matakasan ang pagdating ng masungit na panahon.

Bawal din silang gumamit ng plato o mangkok sa pagkain. Ang kanilang pagkain ay sinasalo lang ng kanilang palad.

HUUBAAD

SSAA KKRIIPPIISSYYO

IIKKOTT

KKUU TTSSIILLYYO

GGUU LLAAYY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.