AI AI KAKARIRIN AGAD ANG PAGBUBUNTIS PAGKATAPOS NG KASAL KAY GERALD SIBAYAN

Janine sa relasyon nila ni Rayver: Chill-chill lang muna kami!

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

SUPALPAL ang nagsasabing lilipat na ng network si Janine Gutierrez. Dumalo kasi sa Star Magic Ball ang Kapuso actress kasama ang nali-link sa kanyang si

Rayver Cruz kaya may lumutang na ganoong tsismis.

“Hindi po totoo ‘yon!” bulalas ni Janine nang makausap ng ilang members ng entertainment press. Ang paglipat ng bagong management ang ginawa niya. Kumalas na siya sa GMA Artist Center na comanager ng ina niyang si

Lotlot de Leon nu’ng pasukin niya ang showbiz.

Si Leo Dominguez ng LVD Management ang manager ngayon ni Janine. Ayon naman kay Leo, under negotiations na ang bagong kontrata ng aktres sa GMA. Sa ngayon, natapos na niya ang horror movie na "The Spirit of the Glass 2" at patuloy na tini-tape ang digital series na The Unbroken Hearts.

Komo si Rayver ang kadate niya sa SM Ball, patuloy pa rin ang tsismis na may relasyon na sila na kanyang itinanggi. “Careermuna ang focus ko. Mahirap ang focus sa work kapag may boyfriend. Chill, chill lang muna. Enjoy, enjoy lang kami ni Rayver,” saad ni Janine. May pag-asa ba si Rayver sa kanya? "Ang hirap naman nu’n! Basta superenjoy kami pag magkasama! Siyempre, meron naman,” sey niya.

Ano ang status nila ngayon ni Rayver? “We’re friends. Close. Lumalabaslabas po. Hindi ko po siya boyfriend,” deklara ng Kapuso actress.

Bukod sa pag-arte, pinasok na rin ni Janine ang recording. Nu’ng bumiyahe sa Los Angeles, California, ni-record niya ang kantang produced ng RedOne, ang producer nina Lady Gaga at Jennifer Lopez. Magpapaiyak muli si Ai

Ai delas Alas sa pinagbidahang episode ng Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado. Buhus na buhos ang emosyon niya sa eksenang naabutan namin sa taping.

Isa siyang battered wife, nag-drugs, tumakas sa asawa, iniwan ang mga anak. Relate din siya sa kuwento dahil sa back story ay isa siyang ampon gaya niya na inampon ng tiyahin nu’ng bata pa.

“Kaya dito, mahilig akong mag-ampon. Kasi naawa ako sa mga batang walang bahay. Walang tirahan

GERALD SIIBAYAN AT AII AII DELAS ALAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.