Baguhang male celebrity may dalang sumpa,ipinaglihi sa kamalasan

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY CRISTY FERMIN niya rin sa isang sikat na show, e, hindi na rin ipalalabas dahil baka hawahan din niya ng alat? "Nakasalang na sa editing ang interview, ipalalabas na lang, pero how true na hindi na 'yun isasama sa episode? Nakakaloka, kabagubago pa la

HINDI pa man umangat ang kanyang pangarap ay nabigyan na agad ng titulo ang isang bagitong personalidad na usunguso ngayon. Uso lang, dahil kakaiba ang kanyang gimik, pero isang araw ay inaasahan na ng mas nakararaming makakalimutan din siya agad ng publiko.

Ayon sa isang source ay jinx kuno ang bagitong male personality. May dala kunong alat sa kanyang katawan ang may kaangasang baguhan, dahil pagkatapos niyang mag-taping para sa isang show, sisibakin na pala 'yun ng network.

Kuwento ng aming impormante, "Nagkataon nga lang kaya na after niyang mag-taping bilang guest sa show, e, saka naman nagdesisyon ang network na palakulin na ' yun sa ere?

"Nakakaloka siya, ha? Jinky ang maangas na taong 'yun! How true na 'yung isang interview napatunayan, e, wala naman siyang claim to fame kundi ang pagbabago ng kanyang karakas!

"Super-feeling ang hitod na 'yun na ang pakiramdam, e, sikat na sikat na siya porke nagiging trending ang itsura niya sa internet! Pati mga marshalls, kinukudaan na niya!

"At ang the height, ikinukumpara niya ang bago niyang itsura sa mga sikat na heartthrobs! Ang kapal ng fez niya, ha? Naku, good luck na lang sa kanyang mga ilusyon!" kuwento pa ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Baustista Silverio, ito ang blind itemna hubad na hubad na sa clue! Getlak n'yo na kung sino siya, di ba naman, promise!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.