'Wag sanang madamay si Coco sa kanegah

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

Maraming nag-aalala na baka makaapekto sa pelikulang idinidirek at pinagbibidahan ni Coco Martin ang kanegahan ng kanyang leading lady na si Mariel de Leon.

Kung gaano kasi kamahal ng publiko ang

magaling na aktor ay malayo naman ang loob ng ating mga kababayan sa dalagang palasawsaw sa maraming isyu. Negang-nega ang imahe ng beauty queen.

Sabi ni prop, “Totoong very short lang ang memory nating mga Pinoy. Af ter a while, makakalimu tan na rin ng mga kababayan

natin ang kanegahan ni Mariel. Pero teka lang muna!

“Maymga taong hindi agadagad nakalilimot! Magbait-baitan man si Mariel, e, nakatatak na sa isip nila na madalas na nakikisawsaw sa maraming issues ang babaeng ‘yun!

“Sana nga, eh, hindi maapektuhan ng kanegahan niya ang movie ni Coco dahil sayang na sayang naman. Pinaghirapang mabuti ni Coco ang movie, naglalagare siya sa pagtatrabaho, pero magaalanganing manood ang mga Pinoy nang dahil lang sa kanegahan ng leading lady niya,” sinserong komento ng kaibigan naming propesor.

Puwede!

MARIIEL DE LEON AT COCO MARTIN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.