Baka na-brainwash lang tayo (2)

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ang Slenderman ay isang nakatatakot na nilalang at nilikha para hindi na lumabas kapag gabi ang mga kabataan. Ang halimaw na ito ay nagsimula bilang proyekto ng Something Awful forums ng user na si Victor Surge. Naglalagay siya ng mga nakakatakot na nila

Ni Leifbilly Begas

MARAMING bagay ang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Lalo na kung nakamulatan niya ang mga ito.

Ayon sa isinulat ni G r e g o r y My e r s sa TopTenz, mayroon namang mga bagay na gawa ng lipunan na nakaimpluwensya rin nang husto sa atin. Maraming bansa na ang nagtatayo ng wind farm para makagawa ng kuryente nang walang polusyon.

Peromahirap maghanap ng lugar kung saan ito itatayo. At problema rin ang mga nagr e r e k lamo dah i l nakakasira raw ng view.

Bukod pa rito, mayroong mga tao na nagsasabi na mayroon masamang epekto sa kanila ang mga wind farm. Walang tunog ang wind farm pero may mga nagrereklamo na sumasakit ang kanilang ulo, nagkakaroon sila ng insomnia at marami pang ibang sakit.

Ilang beses nang nagsagawa ng pag-aaral kaugnay ng Wind Farm Syndrome, o WFS at napatunayan na walang epekto ang wind farm sa kalusugan ng tao.

Pero dahil sa dami ng mga nagsasabi na nagkakasakit sila, marami ang naniniwala rito at mag ing s i la ay "nagkakasakit" na rin.

Sa madaling salita marami ang nagkakasakit dahil sa kwento-kwento.

Ayon sa pag-aaral sa Ha r v a r d , halos 40 porsyento ng mga pagkain sa Estados Unidos ay itinatapon dahil sa maling pagkakabasa sa label.

H ind i naman sinasadya ng mga manufacturing companies na magkamali sa pagtingin ng label at kung tutuusin ay tama lang naman ang kanilang ginawa o ang disenyo ng kanilang label.

Ang problema ay nasanay lang ang tao na magtapon ng pagkain kapag nakita na lagpas na ang petsa sa label.

Kahit na nga inabot na ang "expiration date" ay hindi nangangahulugan na sira na ang pagkain lalo na kung inilagay mo ito sa refrigerator.

Karamihan ng tao, ang alam ay malapit ng masira o sira na ang pagkain kapag umabot ito sa expiration date.

Ang mga label na “use by” at “best by” ay nangangahulugan na ang pagkain ay hindi na best quality kapag umabot sa petsa na ito kundi hindi na ganun kasarap.

Ang label na “sell by” ay para samga tindahan at hindi sa kustomer.

Kapag malapit na ang Halloween madalas ay kumakalat ang balita kaugnay ng mga candy na may droga.

Kumakalat online ang mga nakakatakam na candy na nilalagyan ng kuwento upang magbigay ng babala sa publiko.

Hinahaluan umano ng ipinagbabawal na gamot ang mga candy at ipinamimigay sa mga batang edad 12 pababa.

Dahil babala, wala namang masama kung ipapakalat di ba kasi baka nga naman totoo.

Pero ayon sa mga pagaaral ang mga candy na hinahaluan ng droga ay hindi ipinamimigay sa bata kundi sa mga matatanda.

Sino nga namang drug dealer ang gagastos ng malaki at ipamimigay lang? Ang negosyo nila ay hindi mamigay kundi magbenta para kumita.

Sa dami ng mga pelikula gaya ng Star Trek, StarWars at kung anu-ano pang hightech na palabas, marami ang naniniwala na magkakaroon na ng mga robot na may sariling pag-iisip.

At kung ang mga robot ay may sarili nang isip, kukunin na nila ang mundong ito sa tao at sila na ang magpapatakbo.

Angmga paniniwalang ito, at ang pagdami nila ay dahilan kung bakit marami ang natatakot.

Pero kung titingnan ang kasalukuyan, wala pa naman talagang ganito kahigh tech na teknolohiya. Yung tipong ang robot na ang mag-iisip sa sarili niya at hindi na kailangan ng tao para siya ay i-program.

Kung mayroon upang dapat na katakutan, ito ay ang paglalagay ng maraming trabaho sa mga makina o robot.

Gaya halimbawa ng self-driving car. Kung ang kotse na ang mag-iisip kung saan daan at paano patatakbuhin ang sasakyan, kapag nagkamali ito ay pasensya ka.

Mas dapat umano itong katakutan sa halip na ang tiyansa na magkaroon ng sariling isip ang mga robot.

SS LLEENDEERMAAN

EEXX PPIIREED

WIIND FFAARM SSYYNDROMEE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.