MMDA: ISABEL LOPEZ INILAGAY SA ALANGANIN ANG SEGURIDAD NG MGA MOTORISTA SA EDSA

Hashtag member hindi dapat sisihin sa pagkamatay ni Franco

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY JOBERT SUCALDITO LUCAS AT FRANCO HERNANDEZ

NAG-FILE na kahapon ng pormal na reklamo ang MMDA at LTOpara sa revocation o tuluyang pagkansela ng driver's license ng beauty queen turned actress na siMaria Isabel Lopez dahil sa nagawa nitong violation sa courtesy lane para sa ASEAN Summit dignitaries.

Dala ng pagkabuwisit siguro sa matinding traffic last Saturday, inalis ni Isabel ang ilang orange cones/barriers sa EDSA at lumusot doon na sinundan naman ng ilan pang motorista. Kinunan pa niya ito ng video at ipinost sa kanyang social media account kaya samu’t saring pagpuna ang napala niya.

Ang dating sa mga tao ay parang ipinagmalaki pa ng ating beauty queen na astig siya at nagawa niya ang bagay na hindi naman talaga dapat. It was some sort of obstruction actually dahil, being the host ng ASEAN Summit, we have dignitaries like heads of states na bisita ngayon at kailangang maprotektahan sila habang nandito sa Pilipinas. The streets must be available for them dahil scheduled ang kanilang mga commitments.

Sabi naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago, inilagay daw ni Isabel sa alanganin ang seguridad at kapakanan ng ibang motorista sa ginawa niya at maaari pa siyang mapagkamalang threat sa seguridad. Maria Isabel is a dear friend of mine pero hindi rin ako sang-ayon sa ginawa niya. For whatever reasons she may had, it was still wrong.

Sana ay hindi na ito maulit pa, even as a joke. Nakakatawa actually. Pag nagkita kami ni Maria Isabel, kakantiyawan ko talaga siya. Siga talaga, di ba? Ha! Ha! Ha!

Last Saturday was, I guess, the worst in terms of traffic sa Metro Manila na naranasan ko. Hindi ko ma-imagine kung bakit sobrang lala ang traffic na iyon sa Quezon City area. Sanay na akong matrapik angMakati pero sa bandang Q.C. ay first time kong na-experience ang ganu’n kalalang traffic.

Imagine, I leftmy house near Kamuning papuntang SM North at 2:15 p.m. dahil magdya-judge ako saTopModels ng JAMS Productions sa SM Skydome. Kulang pa naman ako sa tulog that time kaya may hilo factor pa ako.

Naloka lang ako dahil I reached SM Skydome at 4:15 p.m., two hours ako sa EDSA na kung tutuusin ay ilang tumbling lang from Kamuning. Whew! Horrible indeed!

Anyway, habang nakaupo kami ni kafatid na Joel Cruz ng AficionadoGermany Perfume na kasama kong judge, medyo nahilo lalo ako nang tamaan ng moving heads (mga ilaw) ang mata ko in front of the stage area. Kaya kaysa mahimatay ako sa mainit na Skydome na iyan, binulungan ko si kaibigang Joel na kunyari magsi-CR ako pero tatakas na lang ako.

Agree naman siya, siya na lang daw ang magpapaliwanag sa organizers kung bakit ako umalis. Ha! Ha! Ha! Kasi naman, two categories ang idya-judge namin, yung 7-14 years old ay may 80 contestants at yung 1525 years old naman ay 100 candidates yata. Baka bago mangalahati ay hinimatay na ako sa Skydome kaya might as well leave na lang.

Sayang lang kasi ang huhusay ng mga kabataang models. Nakakaaliw sila. Ang cute nilang pumorma sa stage. Sooo cute.

Death in the family is always painful. Kaya for sure ay sobrang hinagpis ang nararamdaman ngayon ng mga magulang at kaanak ni Hashtag FrancoHernandez na nalunod nga sa DavaoOccidental nitong weekend.

Kawawanamanangbatang ito, very promising artist pa naman na malayo pa tiyak ang mararating sa showbiz pero maagang lumisan. Aksidente ang nangyari kaya walang puwedeng sisihin kundi ang malalaking alon na humampas sa kanilang sinasakyang motorized banca. Hay buhay.

Nakakaloka lang ang isang netizen na hindi ko nakuha ang name na nagtatalak na bakit daw si Franco pa ang namatay, bakit hindi na lang daw ang isang kasamahan nito sa Hashtag na si Jon Lucas.

Nang mabasa ko iyon, gusto ko talagang targetin ang netizen na nag-post nu’n. Kilala ko kasi si Jon Lucas, sobrang bait ng batang ito at breadwinner din iyan sa family niya.

Kung anumang dahilan meron ang hinayupak na netizen na iyon, wala akong pakialam pero gusto ko siyang ingudngud sa pader dahil napakademonyo niya towish ill of someone.

Ang sama, di ba? Alam ba niyang masama ang mag-wish ill sa kapwa, malaking kasalanan sa Diyos iyon. Hunghang ang hinayupak na ‘to. Grrr!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.