SYLVIA HUMINGI NG SORRY SA NANAY: AYOKO PONG NAKIKITA KANG NASASAKTAN AT UMIIYAK!

Bandera (Mindanao) - - NEWS - KIIM CHIIU AT GERALD ANDERSON BY REGGEE BONOAN SYLV II A SANCHEZ

ANG saya-saya ni Sylvia Sanchez nitong mga huling araw dahil sunud-sunod pa rin ang blessings na dumarating sa kanya.

Kabilang na riyan ang pagkapanalo niya bilang Best Actress sa katatapos na 31st PMPC Star Awards for TV para sa Kapuso series na The Greatest Love.

Bago pa niya tinanggap ang kanyang award noong Linggo ng gabi ay nakatanggap na siya ng balitang binigyan ng Parental Guidance o PGratingngMTRCBangindie movie niyang "Nay" mula sa Cinema One Originals, ibig sabihin ay puwede itong mapanood ng mga bata basta’t may magulang na kasama.

Ayon sa aktres kaya siguro nakakuha ng PG ang movie nila ay dahil, “Pamilya kasi ang tema ng 'Nay, maski na aswang ako, may puso dahil hindi ko pinatay ang alaga kong si Enchong ( Dee) kasi mahal na mahal ko siya. 'Yun siguro ang nakita ng MTRCB, maypusoang kuwento ng ‘Nay.”

At habang nagte-taping si Ibyang para sa bago niyang seryeng Hanggang Saan kahapon ay muli siyang nasabihan ng taga-Star Cinema na 11:30 a.m. pa lang nu’ng Lunes ay soldoutnaagadang tickets sa ginanap na Gala Night ng "Nay" sa Trinoma Mall.

Kaya ang saya-saya ng aktres, kaya nga maski na walang tulog ay ang ganda pa rin ng kanyang aura.

Ang "Nay" na idinirek ni Kip Oebanda ay kasama sa siyamna pelikulang kalahok sa Cinema One Originals Film Festival na mapapanood simula Nob. 13 hanggang 22. Manalo kaya ulit ng award si Ibyang bilang aswang sa "Nay"?

"Hindi ko alam, ayaw kong umasa, kung ibigay maraming salamat, kung hindi, okay lang din, at least napasama ako sa Cinema One filmfest, first time ko, eh,” sagot sa amin.

Samantala, naging emosyonal naman Sylvia nang magbigay ng mensahe para sa kanyang inang si Rose Campo sa morning show naMagandang Buhay lastMonday.

"Sorry, kasi alam ko minsan nasasaktan kita, nasasaktan dinako.Perohindiimportante ang sakit na nararamdaman ko, ang importante ay ayaw kitang masaktan. Ayaw kitang makitang umiiyak. Nanay kita.

"Ma, gusto ko lang sabihin sa iyo na lahat ng namana ko sa iyo ay napapakinab a n g a n ngayon ng mga anak ko. Gusto kong magpasalamat sa iyo kasi 'dimoman ako pinamanahan ng materyal na bagay, pero higit pa sa materyal na bagay ang pinamana mo sa akin. Ang kabutihan mo, maraming salamat Mama, sobra kitang mahal," sabi pa ni Sylvia.

Kumpirmadong mas maraming nanonood ng Ikaw Lang Ang Iibigin kumpara sa katapat nitong programa sa kabilang network base na rin sa ratings ng AGB Nielsen simula Okt. 30-Nob. 3. Kung hindi kami nagkakamali, ipinalabas sa mga petsang ito ang wedding scenes nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Kaabang-abang naman kasi talaga ang kuwento ng ILAI lalo na ngayong nalaman na ni Roman ( Michael de Mesa) kung sino ang tunay niyang anak sa pamamagitan ngDNA testingat siGabriel (Gerald) nga bagay na hindi matanggap ni Carlos ( Jake Cuenca) kasi nga mawawalan na siya ng karapatan sa lahat. Nagbalik na sa alaala ni Roman na matagal ng alam ni Carlos na alam na nito ang lahat kaya inuudyukan parati angamanasi Gabriel ang may kasalanan kungbakitbumaba ang sales ng Tiger Shark energy drink. Pinatira na rin sa mansion sina Gabriel at Bianca pero nagkaroon ng gulo dahil nahuling sinisilipan ni Carlos ang babaeng hanggang ngayon ay mahal niya. Hanggang sa nasuntok ni Gabriel si Carlos at nalaman ito ni Roman kaya pinalayas ang anak-anakan. Marami pang kuwentong mabubunyag sa Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-Showtime sa ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.