Si boyfriend, ex naman ni boss

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

MAGANDANG gabi, ateng Beth.

Problema ko kasi ay sa trabaho. Kasama ko ang BF ko rito. Nagkataon din na itong BF ko na kasama ko sa trabaho ay naging BF din ng boss ko.

Tapos, ateng, sabi ng BF ko na BF din dati ng amo ko, ay umabot sila ng isang taon. Pero sa isang taon na iyon ay hindi niya naramdaman na mahal niya ang amo ko.

Hindi rin daw siya tinanggap ng mga magulang ng amo ko dahil wala raw siya (BF) tinapos na magandang kurso.

Kwento pa ng BF ko, hindi naman daw niya niligawan ang amo ko. Ang amo ko ang nanligaw sa kanya. Dumating pa nga raw sa punto na kahit magkandautang-utang itong amo ko ay ginagawa niya para lang mabigyan ng kung ano-ano ang BF ko ngayon. Ang tanong ko lang dapat bang pagkatiwalaan ko ang BF kong ito na ex naman ng boss ko? Mystery girl

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.