Pekeng gamot naharang ng FDA

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

KAHON-kahon ng mga pekeng gamot ang nasakote ng Food and Drug Administration (FDA) kamakailan.

Pinangunahan ang entrapment operation ni FDA Director General Nela Charade Puno, at mga tauhan ng PNPCriminal Investigation and Detection Group.

Karamihan sa mga gamot na nasakot ay mga kilalang over-the-counter medicines na ginagamit sa mga pangkaraniwang sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat at sakit ng katawan.

Dahil dito, pinapurihan ng Unilab, Inc., ang nangunguna at kilalang kumpanya ng gamot sa bansa, ang pinagsanib na pwersa ng FDA at CIDG. "Binabati namin ang FDA at CIDG sa matagumpay nitong entrapment operation ng mga pekeng gamot. Kami ay nakahandang makipagtulungan sa kanila upang masigurong may mananagot sa pagpapalaganap ng mga nasabing pekeng gamot," ayon sa Unilab.

Nagpahayag ng patuloy na pagsuporta ang Unilab sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga pekeng gamot. UMAMIN umano Dr. Susan “Susie” Mercado na tobacco at hindi communicable and infectious disease ang kanyang forte matapos umano siyang punahin sa mga pahayag niya kaugnay sa Dengvaxia.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Mercado na tanging kanya ang mga pananaw ukol sa Dengvaxia, ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na binabalot na ngayon ng intriga.

Isa si Mercado sa mga dati at kasulukuyang opisyal ng Department of Health na tumutuligsa sa ginawang pagbabakuna ng Dengvaxia sa mga kabataan ng nakaraang administrasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.