SIKAT NA FEMALE PERSONALITY IPINAHIYA ANG STAFF SA RESTO, WALANG RESPETO SA KAPWA

Pagli-live in ng JaDine buking na; 'pwet' ang ebidensya

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY CRISTY FERMIN

KALIGAYAHAN na para sa mga kababayan natin ang makapagparetrato sa tabi ng mga personalidad. Lalo na kung sikat ang artista, gumagawa talaga ng paraan ang mga fans para makapagpa-picture sa mga hinahangaan nila, pero depende ang sitwasyon kung papayag ang mga nilalapitan nila.

May mga personalidad na mabait, marunong tumanaw ng utang na loob, pero meron din namang maldita, walang pakialam sa mga tagahanga, deadma.

Isang gabi ay nakipag-dinner ang isang sikat na female personality sa kanyang mga kaibigan. Maingay si babae, sikat na siya ay parang naghahanap pa rin siya ng pansin, nagpaparamdam ang girl na nandu’n siya.

Kuwento ng aming source, “Natural, maraming may gustong magpa-picture sa kanya, kaya lang, e, kumakain pa siya. Pero parang mapang-inis ang girl, habang nakikita niyang may mga gustong lumapit sa kanya, e, saka naman siya subo nang subo ng food.

“Kapag medyo nakikipagkuwentuhan na siya at may gustong lumapit, mang-aasar na naman ang babaeng personalidad, nagkukunwaring susubo na naman nang susubo para hindi siya malapitan.

“So, natapos ang dinner ng grupo ng female personality nang walang nakapagparetrato sa kanya, bumaba agad ng resto ang girl, pero hindi rin siya nagparetrato sa mga nakaabang sa kanya sa ibaba ng restaurant,” kuwento ng aming source.

Habang naghihintay sa kanyang sasakyan ang female personality ay may mga nagtangkang magparetrato sa tabi niya, pero bigo rin, dahil nagkunwari naman siyang abalang-abalang nakikipag-usap sa phone.

“Nu’ng dumating na ang van niya, e, binuksan ng isang staff ng valet section ng resto ang pintuan ng sasakyan niya. Pero ang sabi ng girl, ‘Si kuya talaga, ang tangatanga! Hindi ako d’yan nauupo, sa likod ako ng driver ko!’

“Nagulantang sa kanya ang may edad nang empleyado ng resto, sinabihan siya na ang tanga-tanga ng babaeng ‘yun? Totoo raw palang magaspang ang kanyang ugali, sabi ng mga taga-resto, hindi nga naman nabibili ang magandang attitude kahit gaano pa kayaman ang isang artista,” kuwento ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra,

Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ayaw n’yo rin ang kagaspangan ng ugali ng babaeng ito, lalo na ang bibig niyang super-laki!

Ingat na ingat na ngayon si Nadine Lustre sa pagsagot ng mga tanong na may kaugnayan sa pagli-live-in nila ni James Reid. Kung dati’y mabilis

pa sa alas kuwatro kung sumagot ang young acktress ngayon ay kontrolado do na niya ang kanyang bibig, idinadaan na lang niya sa tawa ang kanyang sagot.

Natuto na sa nakaraan si Nadine, kahit panahon na ng milenyal ngayon ay hindi pa rin tanggap ng ating kultura ang live-in, pero nahuhuli talaga sa bibig ang isda.

Sa nakaraan nilang

guesting sa programa ni

Vice Ganda ay bigay na bigay naman ang ideyang magkasama na sila sa isang bahay lang, tawa lang sila nang tawa sa pagtuturuan kung sino sa kanila ang sasagot, pero sa mga sinasabi ni Nadine ay nandu’n ang insinwasyon na nagli-live-in na sila.

Diretsong sinabi ni Nadine na cute daw ang puwet ni James, kaya ang biglaang komento ni Vice Ganda ay ano ‘yun, magka-live-in na talaga sila kaya nakikita na niya ang puwet ng kanyang boyfriend.

Kahit anong pag-iwas pa ang gawin ng mga artista ay siguradong mabubuking pa rin sila sa bandang dulo, hindi naitatago ang katotohanan kapag sunud-sunod na tanong na ang ibinabato sa kanila, wala silang mapagtataguan.

JJAMES REIID AT NADIINE LUSTRE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.