Bela sa basher: Magpinsan kami ni Daniel!

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

TULAD ng nasabi ni Ruru Madrid, tila na-love at first sight din ang mga manonoog sa inspiring story ng pinakabagong serye ng GMA na Sherlock Jr.

Afterkasingpilotepisode nito nitong nakaraang Lunes, hindimaikakailanapinag-usapan agad ito ng viewers and netizens lalo na ang sweet momentsnina Jack (Ruru) at Irene ( Janine Gutierrez) na talaga namang effortless sa pagpapakilig.

Pero ang pinakanakakuha talaga ng atensyon ng viewers ay ang cute na wonderdognasi Siri a.k.a. Serena at ang away-bati nitong relationship with Irene’s boyfriend na si Jack.

Siguradong ito na ang magiging pinakabagong favorite show ng mga Kapuso na kanilang tututukan every night sa GMA Teleb a b a d . Bukod kasi sa kwento nitong nakakag o o d vibes, ipinapakita rin nito ang value ng relationship ng tao at ng kanilang mga pets.

Komento nga ng isang nakapanood sa pilot episode n i to last Monday, "Nakaka-relax at nakakabilib talaga ang gawang Kapuso! Congratulations, GMA! Nakuha n’yo na naman ang kiliti ng mga viewers, mula sa mga bata hanggang sa mga parents! Like na like ko rin si Siri dahil dog lover din ako!"

Kasama rin sa Sherlock Jr si Gabbi Garcia bilang leading lady din ni Ruru na tutulong sa kanya sa paglutas sa ilang misteryosong kaso na kanyang iniimbestigahan bilang journalist.

Kasama rin sa seryeng ito sina Ai Ai delas Alas, Tonton Gutierrez, Andre Paras, Sharmaine Arnaiz, Kate Valdez, Roi Vinzon, Matt Evans at marami pang iba, sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Si Mikee Quintos naman ang nagbigay ng boses sawonder dog na si Siri.

Samantala, malapit na angValentine’s Day, pero para kayRuru, araw-arawdapat ay Araw ng mga Puso. Hindi kasi nagse-celebrate ang binata ng V-Day dahil nga sa pagiging Iglesia Ni Cristo, pero aniya, napakaganda naman ng ibig ipakahulugan nito sa bawat tao.

“Puwede mo namang gawin araw-araw yun, hindi mo na kailangang gawin sa Valentine’s Day. Sa akin kasi, ang concept ng Valentine’s Day ay para ipa-feel mo sa kanya kung gaano mo siya ka-love sa araw na yun.

“Pero bakit du’n lang, bakit du’n lang sa araw na

yun, why not everyday?” Supalpal kay Bela Padilla ang isang basher na hindi naniniwalang kamag-anak ng aktres si Daniel Padilla. “We are blood related,” ‘yan ang ipinagdiinan ni Bela nang sagutin niya ang isang netizen tungkol sa kanila ni Daniel. Naging isyu sa social media ang pagiging magkamaganak nila ni DJ nang mag-post si Bela ng litrato nila ng aktor na kuha sa backstage ng ASAP last Sunday. Nilagyan niya ito ng caption na: “ASAPEneROAR with el couzzo.” Komento ng isang netizen hindi naman daw totoong pinsan o “couzzo” niya si Daniel na sinagot nga ng dalaga ng, "Actually second cousins po kami...kadugo." Hindi na umapela ang netizen sa kanyang pagkakamali, ngunit pinaalalahanan pa rin siya ni Bela na maging maingat na sana ito sa mga susunod niyang ipo-post, “Baka next time seryosong bagay na yung masabing mali tapos makasakit.” Sa pagkakaalam namin, totoo talagang magpinsan ang dalawa. Ang lola ni Bela ay kapatid ng lola niDaniel na si Eva Cariño. Anak ni Eva ang tatay ni DanielnasiRommel Padilla. – EAS

DANIIEL PADIILLA

BELA PADIILLA

JJANIINE GUTIIERREZ AT RURU MADRIID

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.