Misyon ni Tito Boy

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY DENNIS EROA

KUNG siya ay isang drayber, nasa Formula One si Tito Boy.

Sa mga masigasig na tagamasid, si Tito Boy ay si Edgardo ''Boy'' Cantada, erpat ng dating world junior golf champion na si Gerard, at kasing-laki ng kanyang katawan ang kanyang pagnanais na iangat ang antas ng Pinoy sports sa pamamagitan ng walang tigil na pagbatikos sa mga kapal-muks na mga opisyal ng mga national sports association (NSA).

Hi n d i r in ligtas sa sportsman-businessman ang mga di-umano'y pagkukulang ng Philippine Olympic Committee na nag-resulta sa patuloy na pagsemplang ng mga atletang Pinoy sa internasyonal tanghalan.

Ngunit hindi lang puro batikos ang ginagawa ni Tito Boy. Sabi nga ay ''action speaks louder than words'' at hindi na lihim ang ginagawa niyang pag-aalaga sa mga batang atleta sa mga public schools sa iba'tibang lugar ng Pilipinas. Tinutukoy ko dito ang pagbibigay ng libre ni Tito Boy sa tulong ng Tanduay ngmga bola ng volleyball upang panatiling buhay at bigyan-sigla ang pangarap ng mga batang volleybelles namakalaro sa UAAP at NCAA balang araw.

Malapit sa puso ni Tito Boy ang volleyball sapagkat isa siya sa masugid na taga-suporta ng Philippine Volleyball Federation na nakikipaglaban upang maging pamunuan ng volleyball sa bansa.

Tanungin mo si Tito Boy sa tunay na dahilan ng Pinoy sports at siguradong mabilis pa sa pagmamaneho ng F1 champion na si Lewis Hamilton ang kanyang mga sagot. Tiyak at madiin ang kanyang sagot isang makulimlim na araw sa isang sikat na cafe sa Makati.

Bihirang tapakan ni Tito Boy ang preno lalo't paliko ang daan tulad ng mga drayber na nakikipagkarera kay kamatayan sa F1.

''Leadership problema ng PH sports. Kulang sa kredibilidad ang liderato,'' ito ang malinaw na pagkilala ni Tito Boy sa sakit na tumama sa Pinoy sports na datirati'y kinatatakutan sa Southeast Asian Games bago ang nakakainis at nakakapanlumong pagbagsak mabubunyi.

Tinukoy ni Tito Boy ang mga nagsulputang akusasyon ng mga atleta laban sa korapsyon ng mga opisyal patungkol sa karate.

Hindi na rin bago ang mga gusot sa tennis, volleyball atbp. Sinabi ni Tito Boy na maraming opisyal ng mga NSA ang nasa puwesto hindi upang paglingkuran ang mga atleta.

‘‘Beholden sila kay (POC president) Peping (Cojuangco). They exist because of Peping,’’ diin ni Tito Boy.

Ito ang dahilan kung bakit inaasahang magiging dikit ang muling eleksyon na pinagutos ng korte sa pagitan nina Cojuangco at Ricky Vargas sa pagka-pangulo ng Philippine Olympic Committee.

Malaki ang pasasalamat ni Tito Boy sa pamunuan ni Butch Ramirez ng Philippine Sports Commission. Hindi niya naiwasang purihin si Commissioner Ramon ''El Presidente'' Fernandez na hindi tinatantanan ang usapin ng korapsyon sa palakasan. Kaiba sa mga nakaraang pamunuan, malinaw kung saan napupunta ang pera ng ahensya.

''Matagal ko ng kaibigan siMon,'' sabi ni Tito Boy na nag-aral sa San Beda, Ateneo, De La Salle at San Sebastian College. ''Napakabait na tao ni Ramon at matibay siyang kaalyado. Ilalaban ko ang buhay ko.''

Naniniwala si Tito Boy na darating ang pagbabago at babangon ang Philippine sports.

''Honestly, we need leaders na may sincerity at integrity. Dapat isipin ng mga NSA official na ibahagi ang kanilang buhay at mahalin ang mga atleta. Ano ang gagawin ng opisyal kung alang atleta?

Tulad nina Lewis Hamilton, Sebastian Vettel, Valtteri Bottas at marami pang iba ng F1, hindi kinakakitaan ng pagod si Tito Boy, 71. Handang makipagpukpukan si Tito Boy para sa ikabubuti ng mga atleta.

''This ismy life, this has always beenmy life,'' wika ni Tito Boy. ''I thrived on controversy.''

Mabuhay ka Tito Boy! sa pedestal ng

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.