Ready ka na bang maging mummy? (1)

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

GUSTO mo bang ma-preserve? As in kapag na-deads ka aysasaksakan ng kung ano-anong kemikal ang katawan mo para hindi ka mabulok.

Naisip na itong gawin ng ating mga ninuno at may mga ebidensya silang naiwan kung paano nila ito ginagawa.

Batay sa mga nakalap na ebidensya, may 7,000 taon na ang kultura ng pag-preserve sa katawan matapos mamatay.

Ayon sa isinulat ni Jared Ryder sa ListVerse, may iba’t ibang paraan kung paano maaaring ma-preserve ang isang bangkay.

Formaldehyde

Ito ang pinaka-simple at pinakausong pamamaraan ng pag-preserve sa bangkay na ginagamit bago ang lamay.

Kapag namatay ang isang tao, sinasaksakan siya ng formaldehyde para hindi mabulok habang nakaburol.

Ang naturang chemical compound ay nadiskubre ng German chemist na si August Wilhelm von Hofmann noong 1860. Halos walang pinagbago ang paggamit nito noon sa ngayon.

Matapos katasin ang likido at hangin sa katawan, nilalagyan ng gamot.

Mayroon ding ini-spray na waxy mixture na mistulang nagsasara sa katawan upang mapigilan ang pagdami ng mikrobyo.

May mga tao na naghahanap ng maipapalit sa formaldehyde dahil sa panganib na dala ng kemikal na ito.

Egyptian Mummification

Marahil ay pamilyar ka sa mummification na sumikat dahil sa mga Egyptian movies.

Ang nagsasagawa ng mummification ay ang mga Egyptian priest at ginagawa ito sa mga mahahalagang tao sa lipunan.

Ang katawan ay nililinis o hinuhugasan ng palm wine at tubig. Susundan ito ng pagbukas sa gilid ng katawan kung saan dudukutin ang internal organs. Hindi kasali sa aalisin ang mga internal organs dahil sa spiritual reason.

Susunod na aalisin ang utak sa pamamagitan ng pagsungkit o pagpasok ng hook sa ilong.

Ang katawan ay parang stuff toy na lalagyan ng natron o kemikal na may halong asin at hihintayin na matuyo sa loob ng 40 araw.

Tapos ang katawan ay muling huhugasan bago ibabalot sa nilangisang tela. Ito na 'yung nakikita natin na mummy na parang binalot ng tissue o telang puti.

Crude Mummification

Ma y 7,000 taon na ang nakakaraan, umusbong ang Chin- chorro culture sa mga taong namumuhay sa gilid ng kasalukuyang Chile at Peru. Mas nauna pa sa mga Egyptian ng libong taon.

At ang mga namamatay ay kanila nilang imina-mummify.

Pero ang ginagawa nilang pagpipreserve sa tao ay hindi limitado sa mga taong may mataas na antas sa lipunan. Ginagawa ito ng lahat maging sa mga bata at matatanda.

Ang proseso, pinupugot nila ang ulo, tinatanggal ang balat at dinudukot ang laman-loob gamit ang matalas na bato.

Ang utak ay sinusungkit mula sa butas ng ilong gaya ng mga Egyptian. Ang utak ay pinapalitan ng tuyong dahon at abo.

Ang ulo ay muling ikinakabit sa katawan sa pamamagitan ng paglalagay ng stick (parang barbecue).

Itinatali nila ang katawan at ulo ng mga baging at mga katulad na bagay na nasa kanilang paligid.

Kapag nakatayo na ay nilalagyan ito ng putik kaya nagmumukhang estatwa bago bubuhusan ng maitim na manganese paint.

Cryonics

Ang Cryonics ay isang technique ng pag-preserve sa katawan sa pagasa na sa hinaharap, sa tulong ng modernong kagamitan, ay maaari itong muling buhayin.

Mayroong mga cryonic preservation company na nag-aalok ng ganitong serbisyo.

Mahalaga na makuha nila kaagad ang katawan kapag namatay ito. Mayroong mga isinasaksak na gamot sa katawan upang maiwasan ang brain damage at inilalagay sa yelo bago dalhin sa isang cryonic preservation facility.

Kapag naroon na, ang dugo ay pinapalitan ng preservation fluid. Mayroon ding inilalagay para maiwasan ang ice crystallization ng katawan bago ilagay sa tangke na purong nitrogen. Ang temperatura rito ay -196 degrees Celsius.

Isa sa sikat na gumagawa nito ang Alcor. Nagkakahalaga ang kanilang serbisyo ng $200,000 at taunang membership fee na $1,000.

Ayon sa Alcor mayroon silang inaalagaang 150 cryopreserved.

Mellification

Ang Mellification ay isang proseso ng pag-embalsamo pero sa halip na mga tipikal na embalming fluid ang ilalagay sa katawan, ang ginagamit ay honey.

Ginamit ito noong 300 BC at isa sa mga ginamitan nito au si Alexander the Great.

Ayon sa modernong pag-aaral, ang honey ay mayroong elemento para ma-preserve ang tissue ng tao.

Dahil sa taas ng sugar content nito, ang honey ay parang asin na tumutuyo sa tubig ng mga microbes at bacteria sa katawan upang sila ay mamatay.

Dagdag pa rito ang antiseptic qualities ng honey na katumbas ng hydrogen peroxide.

Ang imperyo ng Assyrians sa Mesopotamia ang isa sa mga gumamit ng prosesong ito. Itutuloy

CRYON II CS

CRUDE MUMMIIFIICATIION

FORMALDEHYDE

EGYPTIIAN MUMMIIFIICATIION

MELL II F II CAT II ON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.