Ready ka na bang maging mummy? (2)

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

GUSTO mo bang ma-preserve? As in kapag na-deads ka ay sasaksakan ng kung ano-anong kemikal ang katawan mo para hindi ka mabulok?

Naisip na itong gawin ng ating mga ninuno at may mga ebidensya silang naiwan kung paano nila ito ginawa.

Batay sa mga nakalap na ebidensya, may 7,000 taon na ang kultura ng pag-preserve sa katawan matapos mamatay.

Ayon sa isinulat ni Jared Ryder sa ListVerse, may iba’t ibang paraan kung paano maaaring ma-preserve ang isang bangkay. Plastik

Ang plastination ay isang paraan ng pagtatanggal ng tubig at taba ng katawan at pinapalitan ng plastik.

Matibay ang plastik na ginagamit para tumagal ang katawan na kadalasan ay ginagamit sa medical study.

Ito ang proseso na ginamit para sa mga display sa exhibit gaya ng Body Worlds.

Dahil pinalitan ng plastik ang bangkay ay hindi ito nangangamoy at naaagnas. Hindi rin gumagamit ng mga toxic chemicals.

Ang S10 plastination, ang gold standard ng plastination, ay nilikha ni Gunther von Hagens noong 1977.

Ang bangkay ay nilalagyan ng iba’t ibang chemical solution bago patuyuin hanggang sa mawala ang tubig at taba sa katawan sa tulong ng alcohol at acetone.

Susunod ang impregnation process kung saan padadaluyin ang plastik sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa tulong ng pag-iba-iba ng temperatura.

Matapos ito, isasailalim ang katawan sa "curing" process upang tumigas at manatili ang hugis ng mga plastik.

Dahil sa mga batikos na inaabot, ito na ang ginagamit ng mga estudyante sa pag-aaral sa halip na totoong bangkay. Yelo

Hindi malinaw kung sinadya o aksidente ang pagka-preserve kay Otzi, ang totoong iceman.

Ang kanyang preserved body ay natagpuan sa mga tipak ng yelo na nagsilbi niyang kabaong. Ang kanyang katawan ay na-preserve nang 5,000 taon bago natagpuan.

Kumpleto ang kanyang internal organs kaya naman napag-aralan ang laman nito. Natukoy ang elemento ng hangin na kanyang hinihingi at ang klase ng kanyang pagkain.

Walang nakakaalam kung bakit na-preserve siya nang maayos sa tulong ng yelo at walang tulong kemikal gaya ng ginagamit sa cryonics para hindi mag-crystalize ang katawan. Leonardo Da Vinci Bukod sa pagpipinta, si Leonardo Da Vinci ay isaring anatomist. Ilang bangkay ang kanyang biniyak para sa kanyang paga aral at mayroon siyang ginagamit na paraan para hindi mabulok ang mga bangkay na ito. Ang kanyang embalming fluid ay pinaghalong turpentine, camphor, langis ng lavender, vermilion, alak, rosin, sodium nitrate, at potassium nitrate. Nang matuon ang atensyon ni Da Vinci sa puso, gumamit siya ng wax upang hindi ito mabulok. Ang wax ay inilalagay niya sa ventricles upang mapag-aralan niya kung paano dumadaloy ang dugo. Cinnabar

Ang pinakalumang nadiskubre na klase ng artificial preservation sa Europe ay natagpuan sa Palencia, Spain.

Ito ay isang buto ng tao na may 5,000 taon na. Ang lugar kung saan ito natagpuan ay nababalot ng cinnabar na ginagamit sa preservation process.

Bagamat hindi sikat ang embalsamo sa panahong ito sa Europa, mayroong mga indikasyon na sinadya ang pag-preserve sa taong may-ari ng buto.

Wala ng minahan ng cinnabar sa lugar at daan-daang kilo nito ang inilagay sa buto. Xin Zhui

Noong 178 BC, namatay ang 50-taong gulang na si Xin Zhui n a mayroong mataas na katungkulan sa Han dynasty ng China.

Nang madiskubre ng modernong panahon ang bangkay makalipas ang 2,100 taon parang kamamatay lamang nito kaya naging madali ang autopsy.

Ang bangkay ni Xin ay nakalagay sa apat na kabaong . An g unang kabaong ay ipinasok sa mas malaking kabaong, na ipinasok naman sa mas malaki at sa isa pa. Kaya apat ang kabaong niya na inilibing sa lalim na 15 metro.

Si Xin ay nakasuot ng 22 damit na mayroong mga ribbon kaya mayroon siyang magagamit sa anumang okasyon sa kabilang buhay.

Mayroong ginamit na likido sa kanyang bangkay upang mapanatili at hindi mabulok ang kanyang katawan.

At ang kemikal na ito ay hindi pa natutukoy hanggang sa ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.