Heart Enemies

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

NASA mga kamay na ni Nico ang resulta ng DNA test nina Laila at Charlene. Ang mga hibla ng buhok na kinuha niya sa brush ng Laila na nasa bahay ngayon ay kapareho ng DNA result ng nasa toothbrush na gamit ni Laila noon pa. Natigilan nang husto si Nico. Nakahinga nang maluwag. “Kung ganoon, totoo ang sinabi ni Laila na nasa bahay ngayon na siya nga ang totoong Laila?”

KAMPANTE lang naman si Laila/Charlene habang karga si Branico sa terrace.

Alam niyang walang mangyayaring sumbatan.

Kapag nakuha ang resulta ng DNA alam niyang makukumpirma lang nina Nico at Dave na siya ang “totoong” Laila.

“Hay naku, iba na kasi talaga ang smart. Ang tuso! At ako iyon, Branico. Ang iyong “ina”!”

Akala naman ng bagong yaya na nasa malapit lang ay siya ang kinakausap ng pekeng Laila. “Ano po ‘yon, Ma’m? Ano po sabi n’yo?”

“Wala. Kumakanta lang ako. Bingi ka ba?” “Hindi naman po. Sorry po.” Sinarili na lamang ng bagong yaya ang pagku-comment. “Sabi doon sa agency na pinanggalingan ko, mabait daw ang Ma’m Laila na ito. Pinatay nga lang ang dalawang yaya kaya nawalan ng yaya at kaya kumuha ulit at ako nga ‘yon. Pero napakasungit naman pala!” KAUSAP uli ni Nico si Dave. “Ano ang resulta, Nico?” “Mali tayo, Dave. Dapat mag-sorry tayo kay Laila. Kasi siya pala talaga ito! Confirmed sa DNA result!” “What? Are you sure?” “Hindi ako maaring magkamali. Malinaw ang nabasa kong resulta.”

“Kung ganoon ... bakit may mga pananalita siyang parang hindi na siya si Laila?”

“I know. Ako rin naman, nang narinig kong galit na galit siya kay Branico, nagduda na rin ako.”

“Pero hindi naman magsisinungaling ang DNA result. Constant ‘yan.”

“That’s true. Ang attitude ng tao depends sa sitwasyon, kung may stress o anxiety, naiiba for some moments.”

“Baka nga ganoon lang ang nangyari kay Laila. Temporary change of mood or attitude lang pero siya pa rin ‘yon.” “So paano na?” “I will apologize to her. She deserves that.”

Napabuntong-hininga si Dave. “Ako rin. Pero baka hihiling na lang ako sa kanya at dito sa kulungan ng ... conjugal visit. Para naman makabawi ako.”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.