Ordinaryong pagkain maaaring makalason

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

KOKONTI lang sa atin ang mga nakakapagtanim ng ating kakainin. Kahit na nga 'yung mga magsasaka ay hindi naitatanim ang lahat ng kanyang kakainin.

Sa halip na magtanim, pupunta na lamang sa grocery para bumili ng iluluto o kakainin.

Ang iniisip natin ay safe ang mga mabibili sa grocery dahil hindi naman siguro nila ibebenta kung mapanganib na kainin, di ba?

Pero ayon sa isinulat ni Sharon Seals sa ListVerse, mayroong mga pagkain na mabibili sa palengke na pwedeng maging mitsa ng kamatayan ng tao.

Kabute

Maraming klase ng mushroom na nagagamit sa iba’t ibang klase ng pagluluto.

May mga mushroom na mura pero meron din namang super expensive.

Mas fresh ay mas okay kainin. Sino ba naman kasi ang gustong kumain ng mushroom na slimy at inaamag na?

Pero minsan ay may nakakalusot din. Nabubutas ang plastik o kaya ay mali ang pagkakalagay sa lata kaya pinapasok ng hangin na dahilan upang masira ang mushroom.

D i to nakakakuha ng pagkakataon ang pagtubo ng bacteria botulinum at parang paglalaway ng itsura nito.

Ang botulinum ay matatagpuan din sa bituka ng mga hayop na kanilang inilalabas at posibleng mapunta sa pagkain kagaya ng mushroom.

Ang amag sa mushroom ay maaaring indikasyon na mayroong nabubuhay na bacteria roon.

Ang botulinum o botox ay isang neurotoxin na may masamang epekto sa nervous system.

Ang botox bagamat toxin ay ginagamit sa mga cosmetic procedures. Bagamat hindi nakakaapekto sa katawan kung kokonti, ang pagkain nito kapag nabuhay sa mushroom ay maaaring magresulta sa muscle paralysis at hirap sa paghinga.

Patatas

Ang patatas ay miyembro ng nakalalasong nightshade family.

Sa kabila nito ay marami pa rin ang tumatangkilik sa patatas at iba’t ibang produkto ang pinaggagamitan nito.

Pero ibang usapan na kung kulay berde ang patatas. Ang akala ng iba ang pagkukulay berde ay epekto ng exposure sa chlorophyll kaya binibili pa rin.

Ang pagkukulay berde ay maaaring indikasyon ng mataas na lebel ng toxic na solanine.

Kung mataas na lebel ng solanine ang makakain ay maaari itong makalason sa isang tao. Magdudulot ito ng pananakit ng ulo at gastrointestinal problems.

Makabubuti kung iiwasan ang pagkain ng berdeng patatas lalo na kung marami ang kakainin.

Kamoteng kahoy

Ang kamoteng kahoy ay madaling patubuin kaya naman dito sa atin ay ginagamit itong kapalit ng kanin ng ilan, lalo na kung mahal ang bigas.

Ang hindi alam ng marami ay mayroon itong toxic chemical na linamarin. Kung mali ang pagkakaluto, maaaring makamatay ang kamote. Ang linamarin ay isang kemikal na makukuha sa hilaw na kamote. Kung hilaw ang makakaing kamote, ang linamarin, kapag naproseso ng katawan, ay nagiging cyanide. Ginagamit ang cyanide sa paggawa ng fertilizer, pesticide, at fumigants. Mayroon ding nakapag-isip na gamitin ang cyanide na isang chemical weapon. Kaya kung hindi ka sigurado sa pagkakaluto ng kamote ay magdalawang-isip ka na ito ay kainin.

Mangga

Ang mangga ay mula sa Anacardiaceae family kung saan miyembro r in ang sumac at poison ivy.

Sa pamilyang ito ay konti lang ang mayroong substance na tinatawag na urushiol— ito 'yung malagkit na puti at malagkit na bagay na makikita sa mangga.

Konti lang ang mayroong allergy sa urushiol pero kung allergic ka dito ay agad kang mamamantal.

Marami ang nakakaranas ng ganitong problema na tinatawag ng iba na "mango itch." Kaya maaaring magsuot ng gloves ang mga may allergy para hindi maapektuhan.

Pero may mga tao na hypersensitive at kahit na madikit lamang sa dahon ng mangga ay nagkaka-allergy na.

Kamote

Ang sweet potato ay miyembro ng bindweed o morning glory family.

Marami ang tumatangkilik sa pagkaing ito dahil maganda sa kalusugan dahil sa vitamins at nutrients na taglay nito.

Kaya lang ay maaari itong tubuan ng mold na kung kakainin ay magreresulta sa hepatotoxicity.

Nadiskubre ang mold na ito matapos na magkaroon ng respiratory problem ang mga baka na kumain ng kamote na mayroon nito. Hindi ligtas ang mold na ito sa tao.

Minsan ay mayroong mga nagtitipid at pinuputol lamang ang bahagi na may amag. Dapat maging maingat dahil maaaring makasingit ang mold na ito sa parte sa kamote.

PATATAS

MANGGA

KAMOTENG KAHOY

KAMOTE

KABUTE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.