Congressman, congresswoman huli sa kissing scene

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Scene sa kanyang mismong tanggapan. Sinabi ng ating cricket sa Kamara na kalat na ang balita tungkol sa pakikipagtukaan ni Sir sa isang congresswoman na sinasabing hiwalay na sa asawa. Bata pa ang lady legislator na galing din sa isang kilalang political

May anak na raw si Madam pero napanatili nito ang ganda ng kanyang katawan.

Si Sir naman ay unang sumikat sa kanyang mga kalokohan lalo na noong sila pa ng kanyang dating girlfriend na isang maganda pero may edad na ring aktres.

Mahusay na mambabatas ang ating bida pero hindi mawala sa kanya ang pagiging pilyo bagamat may edad na rin siya.

Kung tutuusin nga ay parang mag-ama sina Cong at Congresswoman dahil sa agwat ng kanilang mga edad.

Pero tunay na walang pinipili ang pag-ibig kaya at wala na tayong magagawa doon sabi pa ng ating cricket.

Si Cong ay matagal na ringwalang a s aw a makaraang mamatay ang kanyang sikat rin na misis ilang taon na ang nakalilipas.

Hi n d i r i n m a t atawaran ang pagmamahal niya sa pamilya dahil mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang mga anak at sadyang iniwasan rin niya ang magkaroon ng karelasyon sa mahabang panahon.

Ang congressman na nahuling nakikipagtukaan sa kanyang tanggapan ay si Mr. R...as in Road.

Ang nalilink naman sa kanyang na congresswoman ay si Miss K...as in Kararula.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.