YNEZ VENERACION NAGLABAS NG EBIDENSYA LABAN SA NEGOSYANTE: SINUNGALING SIYA!

Walang kupas: Aktres nagmaldita na naman sa awards night

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY CRISTY FERMIN

MINSAN pang nagpalutang ng kamalditahan ang isang female personality sa katatapos lang ganaping malaking pagtitipon ng mga musikero. Maraming artista sa selebrasyon, dalawa-singko ang mga sikat na personalidad, isa ang malditang young actress na ito sa mga dumalo.

Pagdating pa lang niya ay parang naghahanap na siya ng atensiyon, para siyang aligaga na lakad nang lakad, parang excited siya na ninenerbiyos na ewan.

Kuwento ng aming source, “Meron kasing red carpet, Hollywoodish ang dating ng okasyon. Du’n sa red carpet dumadaan ang mga artista at du’n na rin sila ini-interview.

“Ang gaganda nila, kani-kanyang preparation sila sa awards night. Talagang pinaghandaan nila ang occasion. Pabonggahan ang peg ng mga nagdatingang stars and awardees.

“Heto na ang malditang young actress, talagang pinanindigan na niya ang pagiging maangas at maldita. Dumaan naman siya sa red carpet, naglakad naman siya, pero nagmamadali siya, ayaw niyang magpa-interview!

“Siya lang ang nagiisang ganu’n ang ginawa, nagmamadali siya na parang hinahabol ng aso, talagang hindi siya nagpainterview sa mga reporters at bloggers na nakaabang sa mga naglalakad na stars sa red carpet.

“Kinabog niya talaga ang mga Hollywood stars na sikat na sikat pero nagpapa-interview at nagpapa-picture habang nasa red carpet. Pero ang isang ito, talaga namang feeling niya sa sarili niya, e, talagang sikat na sikat na siya at hindi na kailangan pang magpa-interview!” naiiritang kuwento ng aming source.

Palaging ganu’n ang young actress, umiiwas siya sa karaniwang ginagawa ng mga artista, ang tingin ng young actress na ito sa kanyang sarili ay iba siya sa iba.

“Kaya hindi siya puwedeng mag-deny tungkol sa kamalditahan niya, ‘yun talaga siya, may kaangasan at maldita ang babaeng ‘yun!

“Ano tuloy ang nangyari sa kanya? Ayun, tsinugi tuloy siya sa serye, tigok agad ang drama niya, dahil sa ugali niya na siya lang ang nakakaintindi! Nakakaloka ang young actress na ‘yun!” pagtatapos ng aming source habang iling nang iling.

Ano, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino ang malditang female personality na itey?

Mistulang dadalo sa hearing ang sexy actress na si Ynez Veneracion nang dumating sa "Cristy Ferminute" nu’ng Miyerkules para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya ng isang kababayan nating matagal nang based sa Brunei.

Ayon kay Kathy Dupaya na naging kaibigan niya at kasosyo sa negosyo ng pagpapautang sa mga OFW ay wala siyang utang na loob. Pinakita na nga raw nito ang kanyang pera ay sinisiraan pa niya ang negosyante.

Dumating si Ynez sa "CFM" na bitbit ang kan yang mga ebidensiya, mga tseke ‘yun na inisyu sa kanya ni Kathy Dupaya na walang pondo, saka mga text messages sa kanya na pagkakapal-kapal sa dami.

Pahayag ni Yenz, “Ayoko po kasi nu’ng ako pa ang binabaligtad niya. Tama, kumita nga ang perang ipi nuhunan ko sa pakikipag business sa kanya, pero kinukuha ko na ang princi pal dahil kailangan ko na.

“Pahirapan po ang paniningil sa kanya, may kung anu-anong reasons siyang ibinibigay, kesyo natakbuhan daw siya ng collector niya at kung anuano pang mga alibi na hindi ko na pinaniniwalaan.

“Kesyo nai-transfer na raw niya ang funds sa account ko, pero kapag nagcheck naman ako sa bank, e, wala pa pala. May balance pa siyang two hundred sixty thousand pesos, kinukuha ko na sa kanya, pero nagalit siya.

“Nilala-langlang niya ang amount na ‘yun, kaya ako naiinis, pinaghirapan ko ang amount na ‘yun na minamaliit lang niya. Maliit na lang pala, pero bakit hindi niya pa mabayaran hanggang ngayon?

“Sinungaling si Kathy Dupaya, marami pa siyang utang hanggang ngayon sa maraming artistang kinunan niya ng puhunan,” maiyak-iyak na kuwento ni Ynez Veneracion.

YNEZ VENERACIION

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.