MARICRIS GARCIA MAS PINILI ANG ASAWA KESA MAG-ABROAD

Nar Cabico handa sa ‘Vice Ganda’ challenge

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

MAY kanya-kanya nang buhay ngayon ang tatlong miyembro ng dating Kapuso trio na La Diva.

Namamayagpag ang singing career ngayon ni Jona sa ABS-CBN habang patuloy pa ring umaariba si Aicelle

Santos na sinuwerte ring makasama sa UK tour ng "Miss Saigon". Si Maricris

Garcia naman ay pinagsasabay ang pagkanta at pag-arte.

Humarap si Maricris sa entertainment media kamakailan para ibalita ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon. Kasabay niyang dumalo sa mediacon ng GMA Records at GMA Artist Center si Nar Cabico, at ang grupong JBK at TOP ( Top One Project). Kuwento ni Maricris, napatunayan niya na kapag nagasawa ang isang tao ay nagbabago na talaga ang priorities. Ayon sa Kapuso singer-actress, tulad ni Aicelle inimbita rin siyang mag-audition noon para sa isang international project. Pero dahil nga bagong kasal lang siya, hindi niya ito naging priority.

“Outside of the country, medyo alanganin po ako du’n, kasi bilang medyo bagong kasal lang. Siguro po mas gusto ko na dito na lang para rin makabuo ng family at magkababy,” ani Maricris. Isang taon na silang kasal ng businessman na si TJ Cruz.

Sey pa ni Maricris, “Kapag sa ibang bansa, hindi ko na siya tinatanong tungkol du’n. Like, yung kay Aicelle, nabigyan din ako ng invitation to audition. Naisip ko na agad what if matanggap ako, tapos ayaw ko rin umalis nga, so bakit pa ako mag-o-audition, in-explain ko na lang sa kanila.

“Although, habang ineexplain ko sa kanila, parang naiiyak din ako kasi sayang, di ba? Sayang, e, pero bilang kapag may asawa ka na iba na rin ang priorities,” aniya pa.

Dagdag pa ng Kapuso singer, “Ngayong nag-asawa na ako, parang ayaw ko ng masyadong pressure, ayaw ko na ng stress. Parang mas inaappreciate ko kung ano ang merong nandiyan in the littlest things.”

Hindi naman daw napepressure si Maricris na magkababy agad, “Since bagong kasal, ie-enjoy lang muna naminnakamingdalawalang muna bago magka-baby. But we're open naman anytime.”

Handa rin dawisakripisyo ng Kapuso star ang kanyang career kapag nabuntis na siya, “Siguro sa first year, talagang tutok na lang muna. Pero anytime na ready na rin akong bumalik, babalik talaga.

“Okay naman siya, basta hindi mapapabayaan yung family, yung baby. At saka alam niya rin na gusto ko talaga yung kumakanta,” pahayag pa ni Maricris na napapanood din ngayon sa GMA Telebabad series na The Cure nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado.

Bukod dito, naghahanda na rin ang dating member ng La Diva sa kanyang 11th an- niversary concert sa September.

Kilig na kilig ang singer-actor-host na si Nar Cabico nang may magsabing puwede rin siyang maging Vice Ganda kung mabibigyan ng chance sa GMA 7.

Sa nasabi ring mediacon para sa GMA Artist Center singers, tinanong si Nar kung gusto niyang sundan ang yapak ni Vice bilang multi-media star. Tugon ng magaling ding komedyante, "I hardly thought of that pero if the network sees that in me, I'd gladly take on everything.

"Sabi ko nga sa interview ko sa Tunay Na Buhay, any milestone na ma-achieve ko, bumabalik ako doon sa time na naggi-gig ako for 100 pesos a night. It's a long story of struggle and just gettingbyonadaily basis. And to now na eto, kasama ko ay mga artista, nagkakaroon ako ng boses unti-unti. Kahit anong ibato sa akin, willing ako talaga to do it kasi wala namangmawawala,"pahayagpa ni Nar na agaw-eksena sa seryeng The One That Got Away.

Inamin niyang isa sa mga bucket list niya ang magkaroon ng sariling talk show, "My god, it's a dream. Nai-imagine kong gagawin ko siyang highly musical and highly collaborative and entertaining. Nakakakilig 'yung idea na posible, baka, tingnan natin," chika pa ng Kapuso singer-comedian na siyang nasa likod ng hit hugot songs na "Gaga" (OST ng GMA primetime series na The One That Got Away) at "Natapos Na Tayo" (theme song ng Jennylyn Mercado-Derek Ramsay 2017 MMFF entry na ‘All Of You’).

NAR CABIICO AT VIICE GANDA

MARIICRIIS GARCIIA AT TJJ CRUZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.