CESAR PINANINDIGAN ANG P80M PONDO NG CARINDERIA PROJECT, MADIDIIN SA BIDDING

Sakit na 'Achondroplasia' tampok sa bagong serye ni Nora

Bandera (Mindanao) - - NEWS - BY JUN NARDO

NAGKAUSAP na ang bagong Department of Tourism (DOT) Secretary na si Berna Romulo-Puyat at Tourism Promotions Board (PTB) Chief Operations Officer Cesar Montano kaugnay ng diumano’y agaran niyang paglayas sa isang event ng DOT after his 2-minute speech para lang manood ng musical play na "Hamilton." Sa interview nina Ali

Sotto at Arnold Clavio sa DZBB program nila kahapon kay Sec. Berna, sinabi sa kanya ni Cesar na bago mag-speech, nagtagal siya sa event at hindi ‘ yung pagdating, nagsalita at agad lumayas.

Pagdating sa ibang detalye, sinabi pa ng Secretary na hayaan na lang si Cesar na magsalita tungkol dito.

Sa Carinderia Project ng PTB worth P80 million na wala raw ginanap na bidding na kalakaran sa bawat project ng gobyerno, may formal explanation na si Montano tungkol dito at in good faith naman dawang ginawa ng aktor bago ito isinakatuparan.

Pero wala pang final na desisyon si Sec. Romulo-Puyat kung ipagpapatuloy pa ito o sususpindihin dahil sa kawalan ng bidding.

Pinag-uusapan sa buong mundo ang GMA primetime series na The Cure nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez lalo na’t pasok lagi ang programa sa top trending topic sa Twitter. Eh, sa top programs ng Social Wit List nitong Abril, nasa Top 10 ang The Cure, kahanay ngmga international shows gaya ng Jersey Shore, huh! Hindi naman maipagkakailang exciting ang kuwento nito lalo na’t makabago ang atake ng ganitong istorya. U pang lalo pang paigtingin ang kasiyahan ng suki ng series, magkakaroon ng mall show ngayong Sunday ang cast ng The Cure sa Marquee Mall sa Angeles City. Susugod doon sina Tom, LJ Reyes, Mark Herras, Ken Chan at Arra San Agustin.

Inihayag na ng Kapuso Network ang final title ng series ni Nora Aunor sa GMA, ang Onanay, mula saworking title na Extraordinary Love.

Tatalakayin ng programa ang relasyon ng anak at ina na may sakit na Achondroplasia, isang bone growth disorder, at dalawang anak na normal ang paglaki. Lalabas na lo la si Ate Guy na proud sa konseptong programadahil tatalakayin nito ang nat urang sakit. “Napakasaya ko po dahil binigyan ako ng pagkakataon ng GMA na magkaroon ng bagong show. Gusto ko ‘yung teleserye at maganda ang istorya.

“Tungkol ito sa kung paano magma-alhang isang ina sa isang anak, at kung paano ipagtanggol isang anak ng ina,” pahayag ni Nora.

Mula sa direksyon

ni Gina Alajar, kasama ng superstar sa

Onanay sina Mikee Quintos, Kate Valdez at Cherie Gil. Introducing rito si Jo Berry na nag-audition para sa role ni Onay na tunay namay growth disorder.

JJENNYLYN MERCADO AT TOM RODRIIGUEZ

CESAR MONTANO

NORA AUNOR

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.