MAGKAIBIGANG FEMALE STAR NASIRA ANG RELASYON DAHIL LANG SA LALAKI

Bea super ganda pa rin kahit umiiyak; Paulo, Derek pa-fresh

Bandera (Mindanao) - - NEWS - (aktres A). Kesyo kalimutan na ‘yung guy at mag-move on na. “Heto na. Dahil laging nagkakasama sa projects sina ____ (aktres B) at si ____ (aktor) nag-develop sila pero hindi rin tumagal ang relasyon nila dahil alam nilang marami silang masasagasaan. “E

ay naapektuhan na at ayaw nilang magkita sila nang mata sa mata kaya nag-iiwasan sila.

“Hindi naman puwede iyon dahil iisa ang talent manager nila bukod pa sa iisa rin ang road manager nila. At para makaiwas nang husto, si _____ (aktres A) ay nag-request sa manager nila na bigyan siya ng ibang road manager na pinagbigyan naman. Kaya ngayon hindi na sila nagkikita,” aniya pa.

Nanghihinayang kami sa pagkakaibigan ng dalawang aktres, saksi rin kami kung gaano sila ka-solid noon pero nawasak nga dahil lang sa lalaki.

Angaktornamannafeeling guwapo dahil nga maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, ay balitang wala ring respeto sa babae.

"Congratulations, Team Kasal! 10 million THANK YOUSmulasaaminglahatpara sa lahat ng sumuporta sa Star Cinema initial offering on its first day."Yanangcaptionnanakalagay sa Instagram post ng Star Cinema para sa kanilang latest movie na "Kasal".

Hindi na kami magtataka kung maging blockbuster din ang pelikula nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay na idinirek ni Ruel Bayani for Star Cinema dahil maganda ang pagtanggap dito ng mga manonood.

Napanood na namin ang "Kasal" sa ginanap na premiere night nitong Martes at naniniwala kaming kikita ito lalo na’t na-miss ng lahat si Bea na itinuturing na rin ngayong movie queen.

Ang ganda-ganda ni Bea sa kabuuan ng pelikula, kahit na umiiyak na at nakangiwi ay ang ganda pa rin niya, talagang inalagaan siya sa lahat ng anggulo ni direk Ruel.

Ang bango-bango namang tingnan ni Paulo sa screen habang si Derek ay fresh na fresh din at hindi haggard looking tulad sa ibang pelikula niya. Malinis at walang butas ang kuwento ng "Kasal" na isinulat ni Kriz Gazmen.

Anyway, hindi na namin ikukuwento ang mga magagandangeksenasa"Kasal",masokay kung panonoorin n’yo ito para kayo na ang humusga kung sino kina Derek at Paulo ang dapat piliin ni Bea para pakasalan.

Scene-stealer naman si Cris Villongco na ikinasal sa pelikula kaya naalala tuloy namin ang kuwento niya sa presscon ng "Kasal" na biglaan ang pagpapakasal niya at hindi siya handa, pero dahil mabait at responsable angnapangasawaniyakayahindi siya nagsisisi, “He gave me the world,” sabi pa ng singer-actress.

Anyway,nagulatnamankami sa ginagampanang karakter ng beauty queen-turned actress na si Kylie Versoza na naka-one night stand ni Derek sa pelikula.

Palaban din pala ang dalaga sa mga maiinit at kontrobersiyal na eksena, huh!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.