Kalahati ng Metro Manila naka-Digital Terrestrial TV na – SWS, Pulse Asia

Elisse Joson gaganap na sirena sa ‘Wansa’

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

HIGIT sa kalahati na ng mga kabahayan sa Metro Manila ang nanonood ng telebisyon sa pamamagitan ng digital terrestrial television (DTT), ayon sa mga survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS.

Ayon sa Pulse Asia survey, 51% ng mga bahay sa Metro Manila ang may DTT box, habang 56% naman ang lumabas sa survey ng SWS. Kinakabit ang DTT box sa telebisyon para makakuha ito ng digital signal na naghahatid ng mas malinaw na palabas at mas maraming channel na mapagpipilian.

Sa buong bansa naman, 16% ng kabuuang bilang ng mga tahanan ang nagmamayari ngDTTbox, ayon saPulse Asia. Samantala, 17% naman ang resulta sa SWS survey.

Kasabay ng pagdami ng mga tahanang may DTT ay ang pagdami rin ng bumibili ng ABS-CBN TVplus o "mahiwagang black box," na nakabenta na ng limang milyong units noongMay 3.

Inilunsad ang ABS-CBN TVplus noong 2015 at agad na tinangkilik para sa paghahatid nito ng malinaw na palabas, abot-kayang pay-perview services, at libreng exclusive channels na walang buwanang bayad at installation fee. Malayo ito sa nakasanayang analog TV na malabo ang palabas at kakaunti lamangangchannelsnanapapanood.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tahanang may DTT dahil sa TVplus, nangunguna ang ABS-CBN sa pagsuporta sa pamahalaan upang maabot ang target nitong mailipat ang lahat ng mga manonood sa DTT mula sa analog sa taong 2023.

Simula nang ipakilala ang ABS-CBN TVplus sa merkado, lumawak na rin ang signal coverage nito upang maabot ang mas maraming Pilipino sa MetroManila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, Bacolod at Davao.

Dumarami rin ang nanonood ng mga libreng eksklusibong channel ng ABS-CBN TVplus.

Ang all-day movie channel nitong CineMo na ang ikatlong pinakapinapanood sa MetroManila matapos nitong magtala ng average audience share na 7% noong Abril, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes. Dito mapapanood ang mga classic at blockbuster movies ni Da King Fernando Poe, Jr. atng Hari Ng Komedya na si Dolphy.

Kagaya ng CineMo, nadagdagan din ng mga sumusubaybay sa all-day children’s entertainment channel na YeY!. Ito na rin ang pinakaapat na pinakapinapanood na channel sa Metro Manila namay average audience share na 5%.

Mapupuno ng aral at musika ang telebisyon sa pagsasama sa unang pagkakataon ni Elisse Joson at ng BoybandPH sa pagbida nila sa Wansapanataym Presents: Ofishially Yours simula ngayong Linggo (May 19) sa ABS-CBN.

Gagampanan ni Elisse si Stella, isang dalagang tinitingala para sa kanyang ganda ngunit kinaiinisan naman dahil sa kanyang ugali.

Sa kwento, magkukrus ang landas ng karakter niya at ni Jason ( JoaoConstancia), ang lider ng Darker Than Black Band, na regular performer sa club na pagmamay-ari ng dalaga. Ngunit dahil sa hindi pagkakasundo, nagpasya ang bandang umalis sa club, na nakaapekto sa kita ng negosyo ni Stella.

Para makumbinseng bumalik ang banda, paiibigin ni Stella si Jason gamit ang kanyang ganda, ngunit mabubuko ito ng binata. Sa matinding galit, hihilingin ni Jasonnamawala sabuhayniya si Stella, at didinggin ito ng isang diwata na kahahantungan sa pagiging isang sirena ng dalaga. Paano nga kaya makakabalik si Stella sa kanyang dating anyo?

Kasama rin sa ‘Ofishially Yours’ sina Janice de Belen, Ria Atayde, Jeric Raval at Nico Antonio, sa direksyon ni Jon Villarin.

ELIISSE JJOSON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.