Heart Enemies

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

NAAPEKTUHAN naman si Nico nang binanggit ni Dave ang conjugal visit.

Mahal pa rin kasi niya Laila.

At walang nakakaalam nito kundi siya lang.

Pero tanggap naman niya na kahit nasa kulungan si Dave ito pa rin ang asawa.

At ito pa rin ang mahal ni Laila.

Kaya magaan na ang loob nang sumagot siya. “Iyan naman yata talaga ang tama mong gawin, Dave.”

“I miss my wife, you know.”

“Yes, I know. Kami na muna ng bagong yaya ang bahala kay Branico.”

“Okay ba ang bagong yaya?”

“Okay naman. Pero kukuha pa ng isa si Laila, sa ibang agency naman.”

“Nangingilabot pa rin ako kapag naisip kong pinatay ang dalawang yaya at ang paraan ng patay. Charlene can do it again.”

“Yes. Hindi nga lang natin alam kung sino ang isusunod niya. Ang pag-asa na lang ay mahuli na siya ng mga pulis. O kaya ni Trainor.”

“Yes. At si Trainor, alam kong hinahanting niya talaga si Laila. Nagtutulungan sila kung minsan ng mangilan-ngilan kong tauhan sa labas, Nico. May mga natitira pa rin naman akong assets.”

“I know. Ako naman, umaasa rin sa tulong ng pinsan ko, kay Kuya Felix. May mga tao rin siya sa military na naghahanting pa rin kay Charlene.” “Let’s hope for the best.” “Sige, Dave. Babalik pa ako sa bahay at ang priority ko nga si is to apologize to Laila.”

“Alam ko namang hindi ka niya pahihirapan. Mahal ka ng asawa ko, Nico ...”

Natigilan si Nico. “Wwhat?” “As our best friend.” “Ahm, yes. Of course!” ANG totoong Laila ay hindi pa muna umuuwi. Pinuntahan niya ang park na madalas nilang puntahan ni Branico.

Tiningnan niya ang playground, naalala niya kung paano natuwa si Branico habang nasa swing na kasama ang yaya.

“BWIIIHIHIHIIII!” Ang tawa ni Branico ay buhay na buhay.

Ang mukha nito ay naniningkit sa kakahagikhik. Naiyak na naman si Laila. “Anak, kailangang makuha kita. Kailangang magkasama tayo. Pero paano ka ba sasama sa akin kung ang mukha ko ay hindi na sa Mommy mo?”

Napaisip pa siya nang husto.

Magaling siya sa

Ang utak niya ay sa isang warrior, ma-ideya at mabilis.

“I have to think of something. I have to think of something! Kailangang may maiisip akong paraan para magkasama na kami ng anak ko!”

ITUTULOY self defense.

ni Gilda Olvidado

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.