SSUUPPEERR HHOORROOSSCCOOPPEE

Kailan makakaahon sa kahirapan? (2)

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

Sulat mula kay Melinda ng Tabionan, Gasan, Marinduque Problema:

1. Bakit po kaya ganito ang naging buhay ko? Simula nang ako ay nag-asawa ay waring hindi na ako nakaahon-ahon pa sa kahirapan? Mabuti pa noong dalaga pa lang ako at hindi pa nag-aasawa, maganda ang buhay ko, pero ngayon ay naghihirap na talaga ako. Madalas na lugaw lang ang kinakain namin para lang mapagkasya ang perang iniintrega sa akin ng mister kong ume-extraextra lang kung saan-saan. Marunong naman siyang mag-drive at nag-aaplay siya sa abroad, pero hindi pa rin natatawagan ng agency na pinag-aplayan niya.

2. Gusto ko sanang malaman ay kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? At kung makakaahon kami, kailan kaya ito magaganap at sa paanong paraan? June 14, 1989 ang birthday ko at February 14, 1988 naman ang birthday ng mister ko.

Umaasa, Melinda ng Marinduque Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 1.) at Aquarius naman ang mister mo ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo, kaya naman sinuman ang makapagabroad sa iyong dalawa, ito ang magiging simula upang tuloy-tuloy na kayong maka-ahon sa kahirapan at sa bandang huli ay puwede pa kayong magnegosyo hanggang sa tuluyang yumaman. Numerology:

Ang birth date mong 14 at 14 din ang mister mo ay nagsasabing lakas ng loob ang paraan upang makaahon kayo sa kahirapan. Kaya nga sa taong ito ng 2018, kung mag-aplay na ang mister mo sa abroad, sa taon ding kasalukuyan sa edad niyang mong 32, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa kanyang karanasan. Luscher Color Test:

Upang matiyak ang isangmabunga at mabiyayang pangingibangbansa, sa pag-aaplay sa abroad at gayun din kapag nasa abroad na si mister, lagi mo siyang pagsuutin ng kulay na gray, silver, pula at asul. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, gagaan ang pasok ng pera, uunlad

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.