Lalaking nanggupit sa bus, kalaboso

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

OREGON ,USA— Makukulong nang lagpas dalawang taon ang isang lalaki na nanggupit ng buhok ng mga pasahero ng bus sa siyudad ng Portland.

Napatunayan ng korte na si Jared Weston Walter mismo ang gumupit ng buhok sa tatlong babaeng pasahero at siya rin ang naglagay ng pandikit sa buhok ng isa pa.

Walang batas ang Oregon laban sa paggupit ng buhok at paglalagay ng glue sa buhok kaya kinasuhan si Walter ng pagnanakaw dahil itinakbo niya ang buhok ng kanyang mga biktima.

Kinasuhan din ang lalaki ng witness tampering makaraan nitong sabihan ang kanyang girlfriend, na tumayong witness para sa kanya, kung ano ang sasabihin sa korte.

Inutusan din nito ang isa pang kaibigan na bumili ng gunting at ilagay sa isang bus upang lituhin ang mga imbestigador. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.