May-asawa nabuntis si GF

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

kung ano gagawin mo? E ano pa nga ba pwede mong gawin kundi panagutan ang responsibilidad mo, anak ka ng pateng!!

May asawa kang tao bago mo naging GF ‘yang si ateng, di ba? Alam niya ba na may asawa ka na o gumawa ka ng drama para madenggoy si ateng GF? At nang nadenggoy mo na si ateng, di ka man lang gumamit ng mga precautionary measures? Sana naisip mo na pag may ipinasok, may lalabas after ng siyam na buwan, more or less, di ba? Sana kahit ‘yun man lang naisip mong iwasan! Grabeh ka! So paano ‘yan, may bagong bagets na magdurusa ng kawalan ng kontrol ng tatay nya sa katawan niya?

Dalangin ko na sana hindi naman buntis si ate para maka-move on pa mula sa matipunong lalaking katulad mo!

At ano naman sasabihin mo sa asawa mo sa extra expenses mo sa pagsuporta kay GF at sa baby?

May balak ka bang umamin kay misis o itago na lang natin to panghabambuhay hanggang sa magkabukingan na lang sa future?

So, ano magagawa ng awa mo? Makakadagdag ba ‘yan sa financial support mo sa mga bata?

At kung sa palagay mo ay financial support lang kailangan nila, kuya, gising! Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, hatiin mo mga araw ng linggo mo para mag-spend time sa parehong babae at mga junakis mo.

At sana naman magsilbi na itong aral sa iyo. NagOFW ka para magtrabaho. Para mag-ipon. Para magsuporta sa pamilya at mga anak.

Malungkot sa ibang bansa, I understand that. Pero at least may trabaho at medyo malaking kita na regular na tinatanggap.

Mas malungkot ‘yung walang trabaho, walang pera at walang pangtustos sa pamilya.

So, huwag ‘yung lungkot ang ihanap ng kasagutan. At ‘yung kasagutan hindi mahahanap sa pakikipagrelasyon sa mga kapwa mo Pinoy na trabaho at sweldo rin ang habol sa ibang bansa.

Kung trabaho at sweldo ang dahilan ng paga abroad, ‘yun sana ang asikasuhin, lalo ngayon at dalawang pamilya na ang umaasa sa iyo.

Magsimula ka nang pag isipan ang iyong katayuan, Armand. Magsimula ka ng maging mas responsible!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.