'DARATING DIN ANG LALAKING MAGMAMAHAL NANG TOTOO KAY KRIS, SA TAMANG PANAHON!'

Sadistang female celeb isinumpa ng mga katrabaho

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ - BY CRISTY FERMIN

NAPAKABILIS sumagot ng isang grupong nakasama ng isang kilalang female personality sa pelikula sa tanong kung gusto pa ba uli nilang makatrabaho ang babaeng personalidad?

Hindi na nagpalipas pa ng segundo ang tropa, ang kanilang sagot, “Hinding-hindi na!” Kahit pa raw tawasin ang grupo ay tatanggihan nila ang pakikipagtrabaho sa babaeng nagbigay sa kanila ng isang masamang panaginip.

Kuwento ng isang source na direktang nakakaalam ng mga ginawa ng female personality sa grupo, “Never na nilang gugustuhing makatrabaho ang babaeng ‘yun dahil sa sobrang dinanas nila nu’ng minsan.

“Ibang klase naman kasi ang girl, parang galit na galit sa mundo, kaya ipinapasa niya ang galit na ‘yun sa ibang tao! Hindi siya basta maarte, may pagkamasokista siya, gustung-gusto niyang nakakakita ng mga taong nahihirapan nang dahil sa kanya!

“Ayaw niya ring nakakakita ng mga taong masaya, hate na hate niya ang ganu’n, kasi nga, e, malungkot ang buhay niya! Negatron talaga ang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming impormante.

Hindi lang basta panaginip na hindi kagandahan ang naranasan sa female personality ng tropa, bangungot ‘yun, isang karanasang ayaw na nilang maulit pa.

“Ibang klase siya! Nasa isang liblib na lugar sila, napakalayo ng location, pero mag-iinarte siya at magpapabili ng paborito niyang brand ng coffee. Walang choice ang production, pagbibigyan naman niya, dahil baka bigla siyang magwalkout nang dahil lang sa kape!

“Ilang bundok ang binaybay nu'ng bumili ng kape, napakalayo naman kasi ng location sa mismong bayan, sobrang sakripisyo talaga ang tinanggap na hamon ng utility na bumili ng kape.

“Ilang oras pagbalik ng bumili, e, hindi man lang siya nagpa-thank you, para bang isang malaking obligasyon nu’ng tao ang pagbili ng kape para sa kanya. Napaka-insensitive niya talaga!

“At heto pa, inilagay lang niya ang kape sa isang lugar, hindi niya naman ininom, dahil malamig na raw! E, di ipinainit niya sana sa catering, may kalan naman du’n, maipakita man lang niya sa nagsakripisyong bumili na may saysay ang pagod nu’ng tao, di ba? “Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakasarap naman talagang pitikin sa ilong ng babaitang ito, di ba? Gusto n’yo na ba siyang itulak sa imburnal para matuto siya ng leksiyon?” pagtatapos ng naiinis naming source.

Magandang balita para sa kanyang mga tagasuporta kung totoo ngang tinuldukan na ni

Kris Aquino ang kung anumang relasyong mer ron sila ni Mayor Herbert Bautista.

Sinabi ni Kris na puang wede naman sila magan, ing magkaibigan hindi naman masisira ang kung anumang samahan na pareho nilang pinahalapunto gahan, pero sa punto ng pakikipagrelasyon ay sumuko na si Kris.

Magandang desisyon. Darating pa rin naman sa kanya ang tamang taong mamahalin niya at magmamahal din sa kanya at kina Josh at Bimby. Kuwarenta’y siyete anyos palang si Kris, hindi pa siya naghahabol sa huling biyahe, darating din sa kanya ang espesyal na taong makakasama niya nang matagalan.

Nandiyan naman ang kanyang mga anak, iba ang pagmamahal na naibibigay ng karelasyon kesa sa pagmamahal at kasiyahang hatid ng mga supling, pero hindi pa rin kailangang magmadali ang aktres-TV host.

May nakalaang lalaki para sa kanya, may darating na magmamahal sa kanya sa isang panahong hindi niya inaasahan, ‘yun ang tinatawag na destiny.

Walang nakakokontra sa kung ano ang nakatakda.

HERBERT BAUTIISTA AT KRIIS AQUINO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.