SOFIA ANDRES 1 BUWANG HINDI MAPAPANOOD SA ABS-CBN

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ -

ISANG buwang hindi mapapanood ang Kapamilya actress na si Sofia Andres sa ABSCBN. Ito ang kinumpirma ng dalaga sa kanyang Twitter account.

"I have decided to lie low for a month. It's good to be focusing& loving yourself when you know you are slowly losing yourself from pushing it too hard. I learned a lot of things, to appreciate more, to be more positive," ang mensahe ni Sofia sa kanyang social media followers.

Aniya, may mga offer siya sa ABS-CBN na kanyang tinanggihan dahil, "I'm not ready to give my all yet but hopefully soon. I'm really tryingmy best. Thank you for those who have been so supportive and for those who never give up with their anxiety." Pagpapatuloy pa ni Sofia na huling napanood sa fantasy series ng ABS-CBN na Bagani, "I can't wait for the time to love again, to love something, to love someone without worrying, & without overthinking. "I wish I could stop everything, all the negative thoughts but we are not our anxiety. We are strong, we are fine," pagtatapos ng dalaga.

Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pagpasok ni Sunshine Dizon sa top-rating GMA series na Kambal, Karibal.

Gagampanan ni Sunshine ang karakter niMaricar, ang tunay na ina ni Cheska ( Kyline Alcantara). Siya ang magiging bagong "kaaway" at "kaagaw" ng karakter ni Carmina Villaroel bilang si Geraldine kay Cheska – "ina laban sa ina," sabi nga ng teaser ng Kambal Karibal.

Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ngayon ng viewers dahil alam nilang may matinding twist and turn na namang magaganap sa tinututukan nilang primetime series sa GMA Telebabad. Narito ang ilang komento ng netizens sa pag-eksena ni Sunshine sa serye.

"Yass! Ito na, for sure, makikita ka na po namin ng matagal sa TV," ayon kay @mrsfuentabella.

"Woooohooooo??Yesssssss!" sey naman ni @itsmerhychelle.

Komento naman ni @superkevin19, "Wahhhh ang gagaling ng mga artista! Mga bigatin!"

"Mas lalong tataas ang ratings ng KK! Excited," comment ni @irenesaludes.

"OMGEmmaalammobana sya ang napangasawa ni Lyon? Jejeje sana may scene din kayo ni Mr. Alfred Vargas. I really miss the Warren-Erika loveteam!" ang sey naman ni @nedrudajayson.

Pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, sigurado raw pasabog na naman ang hatid ni Sunshine sa pagpasok niya sa primetime soap. Ano kaya ang epekto ng pagdating ng kanyang karakter sa buhay ninaGeraldine, Crisan ( Bianca Umali), at Cheska? Tutukan ang mas umiinit pang mga tagpo sa Kambal Karibal gabi-gabi. Ipinagtanggol ni Dominique Cojuangco ang kanyang inang si Gretchen Barretto sa mga bashers. Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Greta sa isang letter sender na nanghingi sa kanila ng tulong ay patuloy pa rin siyang inookray ng mga haters. Ipinaalala rin niya sa ina na siya’y “special human being” at huwag nang masyadong magpaapekto sa kanyang bashers. Ibinandera rin ng dalaga ang kanyang unconditional love para sa ina.

Ilang kilalang celebrities din ang nagbigay ng suporta kay Greta at nagsabing ipagpatuloy lang ang pagtulong sa mga nangangailangan.

GRETCHEN BARRETTO AT DOMIINIIQUE COJJUANGCO

SOFIIA ANDRES

SUNSHIINE DIIZON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.