ELLEN KASAMA NI JOHN LLOYD SA KORTE, PERO...

'Maraming salamat sa FAMAS at sa Vera-Perez family sa parangal!'

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ - Akong nagpapasalamat sa pamilya nina Manay sa pagbibigay nila sa akin ng karangalan bilang recipient ng 2018 Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism. Sa naging matagumpay na seremonya ng ika-66 gabi ng FAMAS, naranasan kong matawag na awardee. Noong

PERSONAL Marichu Vera-Perez Maceda

Kinikilala nito ang mga managers, public relations officers, entertainment columnists at starbuilders na nagpakita ng "great mastery and professionalism" sa kanilang trabaho.

Ilan sa mga mahal at nirerespeto nating colleagues ang nakatanggap na nito gaya nina Kuya Ricky Lo, Manay Ethel Ramos, Ernie Pecho, Mario Dumaoal, Jojo Gabinete Dolly Ann Carvajal.

Lubos-lubos ang kasiyahan atpasasalamatkosamgakapwa ko taga-industriya na nasa larangan ng journalism dahil sa suporta nila sa inyong lingkod. Ang mga naging mentors ko since 1989 na sina Ate Luds ( Inday Badiday) at direk MaryoJ.delosReyes, hanggang kina Nanay Cristy Fermin at Nay Lolit Solis, ay labis ko ring pinasasalamatan.

Pero kung wala ang mga editors, publishers, publications, station managers at TV executives, ang mga bonggang movie producers, mga artista at workers sa industriyang ito, at higit sa lahat ang mga readers, listeners, mga kapwa ko ring movie fans (lalo na ang mga kapwa ko Vilmanians), at ang mga nagbibigay feedback at kritisismo sa bawat gawain ko dito ay wala sigurong Ambet Nabus.

Baon at bitbit ko ang magagandang values na namana ko mula sa aking mga magulang at mga kapamilya, ang mga aral na nakuha ko sa aking relihiyon at mga eskuwelahan, lalo na sa UP College ofMass Communication, ang mga adbokasiya ko sa edukasyon at "green earth" sa tulong ng Smart-PLDT Gabay Guro, CMAS-Phils., GREEN movement at UP-CMC Alumni Association.

At maging ng ugnayan ko sa anak kong si Neeyong, hindi rin marahil posible ang matawag na responsable at may kredibilidad namanunulat at mamamahayag sa industriyang ito.

Maraming Salamat po LORD!

Hala, kapatid na Ervin, gaano katotoo ang tsika na noong ni-represent ni John Lloyd Cruz ang partner niyang si Ellen Adarna sa preliminary investigation hearing ng mga kasong kinakaharap nito ay nasa tabi-tabi lang ang sexy star.

Hindi na nga raw ito umakyat sa sala ng prosecutor na duminig sa kaso, pero may mga nakakita diumano sa kanya sa isang sasakyan habang naghihintay kay Lloydie sa labas ng korte. Mukhang handa naman daw ang preggy sexy star na umapir sa court kung ipinag-utos ng fiscal.

Nag-request ng reset ang abogado ni Ellen at balitang inschedule ito ng fiscal sa June 25, isang arawmatapos ang birthday ni Lloydie.

May mga nagsasabing kabuwanan na ngayon ni Ellen at anytime ay manganganak na ito kaya't super aligaga at asikaso ang aktor sa lahat ng kailangan ng kanyang ka-live in, kabilang na nga ang mga demanda nito.

Maswerte rin talaga si Ellen kay John Lloyd dahil suportado siya nito hanggang sa kanyang mga asunto. Talagang "you and meagainsttheworld"angdrama nila kaya naman marami ring nagdarasal na sana’y pang-forever na nga ang kanilang love story.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.