JOLO NAKA-GRADUATE NA SA COLLEGE; MAGPO-PROPOSE NA KAYA KAY JODI?

Binatilyong anak ni Ina ‘instant heartthrob’ ‘Bboom Bboom’ video ni Yassi sa mall show viral na

Bandera (Mindanao) - - SHOWBIZ - BY ERVIN SANTIAGO

Siguradong proud na proud si former Sen. Bong Revilla sa bagong achievement ng kanyanganaknasi Jolo Revilla.

Naka-graduate na finally ang actor-politician sa kursong Bachelor of Arts major in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines University. Inialay niya ang kanyang college diploma sa kanyang mga magulang na sina Sen. Bong at Lani Mercado-Revilla.

“To my mom, accept my love and gratitude. To my dad, this is my advanced Father's Day gift to you. To my friends and loved ones, alongwith people who helped me up the steps of the ladder to reach this moment, I humbly share this milestone which will always remind me that at the face of challenges, you believed that I can make it. #lpubatch2018 #lpumanilabatch2018!” ang caption na inilagay ni Jolo sa kanyang graduation photo sa Instagram.

Narito naman ang mensahe ng 30-year-old politician sa kanyang mga batchmate, “Togetherwithmy fellowgraduates, I'm taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumangtugtuginmanperototoo, education is the only key to alleviate poverty. #lpumanilabatch2018#lpubatch2018!”

Tanong naman ng mga netizens at ng supporters ni Vice-Governor Jolo, ngayong naka-graduate na siya susunod na kaya ang pagpo-propose niya sa kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria? Kasalan na nga ba ang next project ng anak nina Bong at Lani? Instant heartthrob sa social media ang binatilyong anak ni Ina Raymundo na si Jakob. Siguradong nabigla rin ang sexy actress at hot mama sa napakainit na paghanga ng mga netizens sa kanyang anak nang i-post niya sa Instagram ang kanilang litrato together. Kuha ang photo sa moving up ceremonmy ni Jakob at may caption na: "Congratulations son...you make us proud. #movingonceremony!"

Libu-libong likes at comments agad ang nakuha ng IG photongmag-inamulasamga netizens na karamihan ay mga girls na guwapong-gwapo kay Jakob, ang nag-iisang lalaki na anak ni Ina sa kanyang Canadian husband na si Brian Poturnak. Meron pa silang apat na anak na puro babae.

Ayon sa ilang followers ni Ina, artistahin daw ang kanyang anak at siguradong sisikat din kapag pinasok na nito ang showbiz. Narito ang ilang comments ng mga instant fans ni Jakob.

"Pwede ko po bang maging boyfriend yang anak niyo, promisepomagigingmabaitpo akong daughter in-law," sey ni @anadace.

"You're son is really handsome pangmodel!" chika ni @kjp_panganiban.

Sey naman ni @dear- futurenishan, "Truemga besh!!! Gwapito. Hanggang byaun malisuh parin sila pagpicturan sin inah nila haha. Lalo na in ate!"

Ito naman ang komento ni @rosemariebernudez273, "Congrats po s anak nyo po your so lucky that you have a son like him kamukha nyo po sya gwapo nagmana po s inyo god bless po s family nyo!"

Isang PAPAstig na Linggo ng umaga (9:45 a.m.) ang mapapanood sa Matanglawin sa pagdiriwang ng Father’s Day ni Kuya Kim Atienza kasama ang mga astig na tatay at Kapamilya stars sa ABS-CBN.

Makakasama ni Kuya Kim ang adventure lover na si Snooky Cruz, na hinayaang mahilig sa skydiving ang kanyang anak na kambal, na pinakabatang kambal na free fall divers.

Ang magamang Jun at Roshaun Mariano naman, ibabahagi ang kanilang pagbo-bonding sa RC scale crawling gamit ang maliliit pero malalakas na laruang kotse. Hindi rin pahuhuli ang Girl Trends at Hashtags ng It’s Showtime sa pagsabak nila sa Matanglawin Challenge tungkol samga tatay samundo ng mga hayop.

Panoorin ang lahat ng ito ngayong Linggo ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Viral na ‘to! In fairness, naka-4 million views na ang video ng "Bboom Bboom" dance ni Yassi Pressman sa loob lang ng ilang araw.

Isang netizen ang nagpost ng video clip ng Kapamilya actress habang sumasayaw to the K-pop hit sa isang mall show last Saturday. At ilang oras lang matapos itong maipost sa internet, sandamakmak na agad ang nakapanood at nagkomento rito.

JJOLO REVIILLA

IINA RAYMUNDO AT JJAKOB POTURNAK

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.