Junk food: Walang pakinabang sa kalusugan

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Blessilda Begas

KAMAKAILAN ay naging laman ng balita ang pagbisita ng mga opisyal ng Health department ng Quezon City local government upang tingnan kung ano-anong mga pagkain ang ibinebenta sa canteen ng mga paaralan.

Sa ilalim ng Ordinance SP no. 2579 series of 2017, ipinagbabawal na ang pagbebenta ng junk food at sugary drinks sa mga paaralan, pampubliko man o pribado, sa preparatory, elementary at high school.

Bukod sa mga canteen, ipinagbabawal din ang pagbebenta ng mga ito sa mga tindahan na may 100 metro ang layo mula sa paaralan.

Sa ilalim ang ordinansa ang junk food ay: •

Pagkain na hindi indigenous products o hindi tumutubo ng natural. •

Pagkain na hindi gawa sa natural na produkto. •

Pagkain na mayroong mataas na lebel ng asukal, asin o saturated fat. •

Pagkain na konti ang nutritional content, mataas ang calorie content. •

Mga pagkain na ikinakategoryang sitsirya at instant noodles. •

Mga pagkain kag a y a ng ch ip s , chicharon, popcorn at gaya ng mga ito.

Ang sugary drinks/ beverages naman ay inumin na carbon-based o mayroong carbon dioxide gas, sugar based, synthetic o artificially flavored drinks.

Bukod sa pagbebenta, pinagbabawalan din ang promosyon o pamimigay ng junk food at sugary drinks.

Bawal din ang pagkakaroon ng sponsor ng mga eskuwelahan na ang layunin ay i-promote ang mga ipinagbabawal na pagkain at inumin.

Kahit na maglagay ng poster ng mga produktong ito sa paaralan ay ipinagbabawal.

Isang Joint Task Force ang binuo upang ipatupad ang ordinansa. Binubuo ito ng QC Health Department, na siyang itinalagang lead agency; Department of Public Order and Safety, Market Development and Administration Department, Division of City Schools, chairperson ng Committee on Health ng bawat barangay at chairperson ng Committee on Health ng QC Council.

Sa ilalim ng ordinansa ay pananagutin ang may-ari ng tindahan na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto sa loob ng 100 metrong radius mula sa paaralan.

Ganon din ang pangulo at opisyal ng kompanya na papasok sa kasunduan sa eskuwelahan para ma-promote ang mga ipinagbabawal na produkto, at ang assistant superintendents, supervisor, principal at iba pang opisyal ng paaralan na hindi susunod.

Pagmumultahin ang mga lalabag ng P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawa at sa ikatlo ay P5,000, at pagkansela ng barangay o business permit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.