Ahwel Paz: Makikinabang din ang mga OFW sa scholarship programa ng IAAS

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

MARAMING makikinabang sa pagiging brand ambassador ng radio anchor na si Ahwel Paz ng IAAS (International Academy for Aesthetics Sciences) na siyang kauna-unahang aesthetics school dito sa bansa.

Sa halip kasi na maningil ng talent fee, hiniling ni Papa Ahwelnamaglaannalangang mga may-ari ng IAAS ng sapat na halaga para mabigyan ng scholarship ang mga kababayan nating gustong makapagaral pero walang kakayahang makapag-enrol.

Nangako ang mga executives ng IAAS na sina Andrea Andal at Dr. Cecil Catapang na magbibigay sila ng P3 million worth of scholarship sa mga makakapasa sa screening.

May walong kurso rawna pwedeng pagpilian ang mga maswerteng makakapasok sa scholarship program ni Papa Ahwel.

Ayon pa kina Andrea at Dr. Cecil napili nila ang radio anchor na maging mukha ng kanilang mga produkto at serbisyo dahil sa success life story nito – isang taong na nagsumikap, may pagmamahal sa kapwa at may makabuluhang adbokasiya sa buhay.

In fairness, talagang kilala samundo ng showbiz si Papa Ahwel bilang matulunging tao at talagang walang masamang tinapay sa kanya kaya naman patuloy ang pag-ulan ng blessings sa kanya.

“Ito ay ang pagbabalik-tulong para sa ating kapwa. Lalapit po tayo at magbibigay po tayo ng scholarship grant hindi lamang po doon sa mga maymedical background gaya ng doctors and nurses.

“Tayo po ay pupunta mismo sa mga karaniwang tao na hindi makapag-aral at bibigyan natin sila ng 3 million worth of scholarship dito po sa IAAS,” aniya pa.

Hindi lang mga tagaMetro Manila ang pwedeng mapili bilang scholar ng IAAS dahilisasabayniPapaAhwelsa kanyang pagbibiyahe sai iba’t ibang panig ng mundo ang paghahanap na mga taong karapat-dapat mabigyan ng tulong bilang bahagi ng kanilangWorldCaravan Tour para sa mga OFW.

“Kaya makakarating ang information campaign ng IAAS sa iba pang lugar sa Pilipinas, like sa Davao and Cebu," aniya. Alam daw kasi niya na maraming OFW ang problemado pa rin kung paano tutustusan ang pag-aaral ng kanilang mga mahal sa buhay.

Magkakaroon din ng chance ang mga mapipiling scholar na makapasok sa mga on-the-job training sa ibang bansa tulad ng Thailand, Japan at Korea.

“Yung training po natin abroad will depend on the students, because it has a fee so hindi mandatory dahil maymga partners naman na tayo dito sa Pilipinas na libre namandinathindinakailangang pumunta ng ibang bansa,” pahayag ni Andrea.

Dagdag pa ni Papa Ahwel, “Magkakaroon po ng criteria para maging IAAS scholar, hindi po kailangan ng may medical background kasi po ‘yung may mga medical background, they can afford to study.

“Ang hinahanap po namin ay ‘yung may kakayahan at kagustuhan ding magaral, may pangarap sa buhay.

“Siyempre tatanungin din po namin ‘yung pamilya, kasi sayang naman po kung sa kalagitnaan ng kanilang pagaaral ay mahihinto. Kaya dadaan sila sa screening committee,” dagdag pa niya.

Limang taon na sa industriya ang IAAS at marami na raw silang napagtapos, at ang ilan nga rito ay nagtuturo na rin sa kanilang eskwelahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.