Kagila-gilalas, kakatwang kamatayan (1)

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Ni Leifbilly Begas

ARAW-araw marami ang nasasagasaan, nababaril, nasasaksak at kung anu-ano pang sanhi ng pagkamatay ng tao.

Pero merong mga insidente na mapatatanong ka ng "Ano, ganoon siya namatay?”

Ayon sa isinulat ni Michael Van Duisen sa ListVerse, may ilang mga tao na namatay sa hindi "ordinaryong" dahilan.

Damit

Si Draco ay isang mambabatas sa Athens noong 7th century BC.

Nakilala siya dahil sa malulupit na parusa na kanyang ipinanukala laban sa mga walang pera. Sa kanyang pangalan kinuha ang salitang "draconian" na iniuugnay sa pagiging malupit.

Halos lahat ng kasalanan ay kamatayan ang parusa kahit sa simpleng pagnanakaw ng prutas. Sinasabi na sa halip na tinta, dugo ang ginagamit sa pagsusulat ng kanyang mga ginawang batas.

Paliwanag ni Draco, kamatayan ang dapat na ipataw kahit na sa maliliit na kasalanan dahil nangangahulugan ito ng pagiging mapag-imbot.

Marami ang nag-isip na patayin si Draco, pero namatay siya sa isang aksidente.

Matapos ang 25 taon ay pinalayas sa Athens dahil sa kanyang pagiging malupit at napadpad siya sa Aegina.

Doon ay mas naging mahinay siya sa paggawa ng parusa sa mga kasalanan.

Habang nasa isang teatro kinilala siya ng kanyang mga supporter. Noon ay ipinapakita ang pagkilala sa pamamagitan ng paghahagis ng damit o tela sa taong binibigyan ng pugay.

Sa sobrang dami ng damit at tela na tumabon kayDraco ay nahirapan siyang huminga at namatay. Siya ay 50-taonggulang lamang noon.

Pagong

Isang kilalang playwright ang Greek na si Aeschylus. Dalawang Persian war ang kanyang sinamahan at namatay siya sa edad na 81.

Pero maaga siyang napanot, o naubusan ng buhok na siya ring naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Isang araw habang naglalakad sa dalampasigan ay napagkamalan ng isang ibon na bato ang kanyang bumbunan.

Ang ibon ay mayroong nadagit na pagong at syempre kundi niyang makain ang nakatago sa loob ng bahay.

Upang magawa ito ay inihuhulog ng ibon ang pagong sa bato upang mabiyak o mabasag ang bahay.

Ang akala ng ibon ay bato ang bumbunan ni Aeschylus.

May mga nagsasabi na hinulaan si Aeschylus na siya ay mamamatay sa pamamagitan ng pagbagsak ng bahay.

Walang nag-akala na ito ay bahay ng pagong.

Parachute

Isang watercolor artist si Robert Cocking.

Nang masaksihan niya ang unang parachute jump sa London noong 1802 ay namangha siya rito at ninais na magawa rin ito balang araw.

Hindi siya kuntento sa parachute na nabibili kaya gumawa siya ng sarili niyang parachute.

Nang matapos, tinesting niya ito habang pinapanood ng maraming tao noong Hulyo 24, 1837.

Wala na siyang ginawang preliminary test dahil tiwala siya sa kanyang ginawa.

Mas mabigat ang ginawa niyang parachute para raw masolusyunan ang problema ng ibang parachute na walang aerodynamic stability.

Kahit na siya ay 61 na at walang karanasan sa pagpa-parachute pumayag ang balloon operator na siya ay isakay upang makatalon mula sa himpapawid.

Nang umakyat na sa taas na 1,500 metro o 5,000 feet, tumalon si Cocking.

Dahil sa maling kalkulasyon, ang parachute ay bumaliktad na parang payong na inihipan ng malakas na hangin.

Na-imagine nyo na siguro kung ano ang kanyang kinahinatnan.

Baseball

Si Ray “Chappie” Chapman ay ipinanganak noong 1891 at ang pangarap niya ay maging isang baseball player.

Sa edad na 21 ay natupad niya ang kanyang pangarap. Naging isa siyang magaling na bunter ng Cleveland Naps.

Noong panahon niya, ang spitball o scuffled ball ang sikat na bato ng bola. Ang mga batter ay hindi rin kailangang magsuot ng helmet.

Noong Agosto 16, 1920, si Chapman ay pumunta sa base upang pumalo. Ang pitcher ay si Carl Mays ng New York Yankees na kilala sa pagbato malapit sa ulo ng mga batter.

Hindi nakita ni Champman ang bola at tumama ito sa kanyang ulo. Namatay siya makalipas ang 12 oras.

Naapektuhan din ng pangyayaring ito si Mays bagamat napawalang-sala siya sa kasong kriminal.

Surfboard

Ipinanganak si Worth Bingham noong 1932. Siya ay anak ng mayamang wealthy newspaper magnate sa Kentucky at siyang napipisil na papalit sa kanyang ama sa pangangasiwa sa kanilang negosyo.

Sumikat siyang reporter at nanalo ng ilang award dahil sa kanyang mga coverage kaugnay sa maluhong paggastos ng Kongreso.

Noong Hulyo 1966, si Bingham ay nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Nantucket.

Naisipan niyang mag-surfing. Inilagay niya ang surfboard sa likod ng kanyang convertible. Habang nagmamaneho papunta sa dagat, bumangga ang surfboard sa isang nakaparadang sasakyan. Pumalo ito at tumama sa leeg ni Bingham na agad niyang ikinamatay. Itutuloy

PAGONG

DAMIIT

BASEBALL

PARACHUTE

SURFBOARD

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.