Bata nagalit sa kawatan, konseho sinugod

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

MINNESOTA, USA—Hindi na natutuwa ang walong-taong-gulang na si Logan Fisher sa pagtaas ng bilang ng krimen sa kanilang bayan. Sinigurado niya na alam ito ng mga namumuno.

Na g a l i t si Logan makaraang pasukin ng magnanakaw ang kanilang bahay sa Brooklyn Park at kunin ang kanilang applia n ce s a t magi n g ang kanyang wallet na puno ng barya.

Ang ginawa ni Logan ay sumugod sa meeting ng city council at binasa ang kanyang talumpati. Aniya: "We need to get mean and we need to mean it."

Sang-ayon si Police Chief Craig Enevoldsen sa sinabi ni Logan na dapat paigtingin ang pagpapatrolya ng mga pulis at pagbabantay ng magkakapitbahay sa isa’t isa. Pero hindi naman siya pabor sa tinuran ng bata na dapat magpatrolya ang mga armored SWAT vehicle sa lansangan para matakot ang mga criminal dahil hindi umano ito praktikal.—

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.