LUIS NAOSPITAL: HINDI MASAMANG MAGPAHINGA, BRONCHITIS GOT ME!

Jomari Yllana proud daddy sa 2nd baby Maymay, Edward bibida sa Wansapanataym

Bandera (Mindanao) - - NEWS - YLLANA AT BABY CHRIISTIIANO

ISINUGOD at na-confine pala sa ospital si Luis Manzano dahil sa bronchitis.

Ibinalita ito ng TV hostcomedian sa kanyang Instagram account kung saan nag-post pa siya ng litrato kung saan makikita ang kanyang kamay na may nakasaksak na IV needle.

May caption itong, “Hindi masama magpahinga. Bronchitis got me.”

Wala pang latest update tungkol sa kundisyon ni Luis, hindi pa siya nagpopost sa kanyang IG kung nasa ospital pa rin siya o nagpapagaling na sa bahay.

Pero siyempre, kinilig ang mga followers ni Luis nang mag-post ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola ng sweet message para sa binata.

Mensahe ni Jessy sa kanyang dyowang maysakit, "Dito lang ako!" with matching hugging emoji.In fairness, maraming netizens ang nagpromise kay Luis na ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.

Comment ni @jadesy007, "God will restore your health soon. Praying for a good person."

Mensahe naman ni @euladanica, "Pabili ka @luckymanzano ng honey sa lipa kay mommy Vi! Mainam iyon para sure na pure na pure ang honey."

"Get well soon. Ang hirap ng ganyan lalo na pag my asthma. I hate it when it hits me," chika naman ni @quiin_aiko.

Paalala naman ni @anguspilot, "Anak ng pitong kuba! Baket? Sorbang workaholic bro! You have to balance. Ingats and We hope you get better soon. - from all of us at Anguspilot Texa s BBQ's."

Super proud daddy naman ang emote ni Jomari Yllana matapos isilang ang kanyang anak sa partner na si Joy Reyes.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Jom ang picture nila ng kanyang baby boy kung saan makikitang kalong-kalong niya ang sanggol at akmang hahalikan.

Nilagyan niya ito ng mensaheng, "You make me smile, you makeme sing. You take my breath away. We welcome you to our family Christiano Ayrton Yllana... Baby Jomjom! #lovewins #greatestg ift #bunso #itsabouncingbabyboy #thankyouLord."

Si Baby Jomjom ang ikalawang anak ni Jomari kaya kuya na ngayon ang panganay niya kay Aiko Melendez na si Andre Yllana.

Pinatunayan nina Xian Lim at Kim Chiu na patuloy na tumitibay ang kanilang relasyon sa kabila ng pagiging busy sa kani-kanilang career. Maraming KimXi fans ang kinilig sa birthday message ni Kim para kay Xian na nag-celebrate nga ng kanyang kaarawan last July 12. Nag-post angKapamilya actress ng mga litrato nila ng kanyang boyfriend sa Instagram with matching sweet birthday message. “HAPPY BIRTHDAY to the person who always brings out the best in me, a lw a y s makes me believe that I can do things that I’mafraid of doing, always makes me laugh so hard, for riding with all my craziness (esp. riding rollercoasters that you don’t really like.) "My official travel photographer, my sponge when I’m feeling down. Thank you for being you! Wishing you nothing but the best in everything you do! Know that I’m always always here for you enjoy the rest of the day!!!” sey ni Kim. Hanggang ngayon ay wala pa ring diretsong pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon pero sabi nga, action speaks louder than words – kailangan pa bang i-memorize ‘yan!?

Good news para sa mga MayWard fans! Muling mapapanood sa telebisyon ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Yes! Bibida ang dalawang bagets sa bagong season ng Wansapanataym. Ito’y kinumpirma ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment sa kanyang Twitter post.

"Ikaw Ang Ghost-O Ko" ang magiging title ng Wansapanataym episode nina Maymay at Edward sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. – EAS

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

LUIIS MANZANO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.