SSUUPPEERR HHOORROOSSCCOOPPEE

Kailan magkakatrabaho? (2)

Bandera (Mindanao) - - NEWS -

Sulat mula kay Ruella ng Balubal, Sariaya, Quezon Province Problema:

1. Hindi po ako nakatapos ng kursong HRM sa halip bale third year lang ay mahinto na ako. Sa ngayon kahit hindi tapos ng kursong HRM ay masipag naman akong nag-aaplay ng trabaho kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natatanggap. Naaawa na nga po ako sa nanay ko kasi siya ang nababaon sa utang dahil sa pag-aayos ng mga papeles ko sa pag-aaplay pero hanggang ngayon nga po ay wala pa rin akong trabaho. Itatanong ko lang kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular na trabaho at kung may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin na sa simula’t simula pa ay mahirap lang at dahil ako ang panganay ako sana ang inaasahan ng m g a k ap a t id . Nakakalungkot dahil hanggang ngayon ay istambay pa rin ako.

2. Balak ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa abroad. Ang problema lang ay wala naman akong pera na pang-ayos ng mga papeles. May guhit kaya ng pag-aabroad sa aking palad at kung makapag-aabroad ako kailan kaya ito magaganap? April 1, 1990 ang birthday ko. Umaasa, Ruella ng Quezon Province Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwang ito ng Hulyo hanggang Agosto magandang mag-aplay sa abroad, dahil papabor sa iyo nang kusa ang magandang kapalaran. Numerology:

Ang birh date mong 1 ay nagsasabing nakatakda na ang magaganap, kung mag-aaplay ka ngayon sa panahong ito sa abroad, sa taon ding ito ng 2018, sa buwan ng Oktubre, sa edad mong 28 pataas, may isangmabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. Luscher Color Test:

Saang lugar ka man mapadpad, ugaliin mong magsuot ng kulay na pula at dilaw upang lagi kang suwertehin at paboran ng magagandang kapalaran. Huling payo at paalala:

Ruella maaaring kaya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.