#40 NA SHA: MAY MEGA CONCERT NA SA ARANETA, MAY SHARON CUNETA NETWORK PA

Bandera (Mindanao) - - NEWS - Familiar; bilang coach sa The Voice Of The Philippines; at bilang isa sa mga high profile celebrity endorser sa bansa. Bilang paunang offering, ipi-feature ng SharonCunetaNetwork ang mga one-of-akind

webisodes na magpapakita ng iba’t ibang aspeto ng karera at personal na buhay ni Mega, kasama na ang kanyang kapana-panabik na paglalakbay patungo sa landmark event na “My 40 Years, Sharon”, ang kanyang 40th anniversary concert sa September 28 sa Araneta Coliseum.

Makakasama niya sa pinaka-engrandeng musical event na ito ngayong taon sina Louie Ocampo, Mell Villena at Ryan Cayabyab bilangmusical directors at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez at Gary Valenciano.

Ang “My 40 Years, Sharon” ay presented ng San Miguel, in cooperation with Petron, Magnolia Chicken 3-Way, Philippine Airlines, McDonalds at The Aivee Group.

For tickets tumawag sa 5527473, 815-1953, at sa TicketNet sa 911-5555 o bisitahin ang www.ticketnet.com.ph.

Para sa lahat ng Sharonians i-like ang SharonCunetaNetwork sa FB, follow @SharonCunetaNet sa Twitter at @SharonCunetaNetwork sa Instagram, at magsubscribe sa Sharon Cuneta Network sa YouTube.

Proud na proud naman si Sharon sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan nang magperform ito saManila concert ng British band na Workshy.

Sa kanyang Facebook, ipinost niMega ang video ni Frankie habang kumakanta sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City. Siya ang nag-open ng Workshy concert with Amy Winehouse’s “Valerie,” 5SOS’s “Disconnected,” at ang sarili niyang composition na “Starlight.”

“Kakie was great tonight! Akala mo naka 20 performances na ang anak ko! Galing! Am so proud! Congrats, Kakie! OMG, two babies down (bitten by the showbiz bug)! Following in Ate Tina’s ( KC Concepcion) footsteps!” ang caption ni Sharon sa video ng anak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.