KILALANG VETERAN ACTRESS MALILIMUTIN NA, PAULIT-ULIT ANG MGA TANONG

Bandera (Mindanao) - - HEALTH & WELLNESS -

Magegets no ‘to tiyak! May edad na rin kung tutuusin ang aming source na kamakailan ay um-attend ng isang bertdeyan. Lima sa mahigit isang dosenangpanauhindoonaymga veteran stars na.

Ayon sa aming source, nakakatuwarawpagmasdanang mga 50s-60s stars na nakukuha pang mag-bonding sa kabila ng kanilang edad o trabaho (may aktibo pa rin kasi sa showbiz ang ilan sa kanila).

Isa roon—na ang malimit na ginagampanang papel ay kaawa-awang ina o lola—ang nakasama ng aming source sa mesa. Mabait nga rawtalaga ang beteranang aktres na ‘yon sa likod ng camera.

“Pero ang kulit, paulit-ulit,” sey ng aming source.

Hindi lang kasi silang dalawa occupied the same table, they shared it with other senior stars. Ganito tumakbo ang kanilang tsikahan habang ninanamnam ang mga handang pagkain.

Veteran actress: Eh, kumusta naman ang bahay mo, tapos?

My source: Opo, pero tinatapos na lang ‘yung driveway.

Lumipas ang tatlong minuto.

VA: Eh, kumusta na nga pala ‘yung bahay mo?

MS: Tapos na po. Driveway na lang po ang ginagawa.

Another three minutes passed. ‘Yun pa rin ang tanong ng kateybol na beteranong aktres, kaya ‘yun pa rin ang sagot ng aming source.

Sey namin sa source ng kuwento, nasa liyebo otsenta o magnonobenta na ang aniya’y makulit na aktres. Wait till we reach her age.

Ang tanong, aabutin pa ba natin ang edad na ‘yon? “Edad,” sounds like her name which is a Spanish word.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.