Litrato ni John Lloyd sa loob ng jeep viral na

Bandera (Mindanao) - - Front Page -

VIRAL sa social media ang litrato ni John Lloyd Cruz na nakunan habang nasa loob ng pampasaherong jeep.

Sa Twitter post ng isang netizen (@norminapauline), sinabi nitong nakasabay niya si John Lloyd sa biyahe ng jeep papuntang UP Ikot sa Quezon City. Aniya, "Yung nakasabay mo si John Lloyd Cruz sa Ikot. (huhu ang pogi pa rin)."

Makikita sa litratong ipinost ng netizen si Lloydie na naka-Tshirt at shorts lang at nakashades.

Ayon sa mga netizens, kitang-kita sa ngiti ng aktor ang kaligayahan sa pinili niyang simpleng buhay kasama ang partner na si Ellen Adarna.

Mula nang magdesisyon si John Lloyd na iwan na ang showbiz, ilang beses na siyang nakikita sa mga pampublikong lugar. Kamakailan lang ay nakunan siya ng litrato habang bumibili ng prutas at kumakain ng balut sa isang sidewalk.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.