Faeldon palit kay Bato

Bandera (Mindanao) - - News -

PINALITAN kahapon ni Nicanor Faeldon si Ronald “Bato” dela Rosa bilang bagong head ng Bureau of Corrections (BuCor).

Otomatikong nagbitiw si dela Rosa matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkasenador sa 2019.

Si Faeldon ang kasalukuyang Deputy Administrator ng Office Civil Defense (OCD).

Siya ay dating head ng Bureau Customs (BoC), bagamat nagbitiw bunsod ng kontrobersyal na P6.4 bilyong shabu mula sa China na nakalusot sa BOC.

“The DOJ (Department of Justice) has interposed no objections to the proposed appointment of Mr. Faeldon and is now seeking the favorable endorsement of the civil service commission as part of the requirements under the BuCor Act of 2013,” ani Justice Secretary Menardo Guevarra.

Kabilang si Faeldon sa mga sundalong binigyan ng amnestiya sa ilalim ng Proclamation 75, kasama si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ipinalabas ni Pangulong Duterte ang Proclamation 572 kung saan binawi ang amnestiya ni Trillanes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.