Teddy Boy, bagong DFA secretary

Bandera (Mindanao) - - News - —Bella

ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Philippine Ambassador to the United Nations Teddy Boy Locsin bilang bagong Secretary ng Department of Foreign Affairs bilang kapalit ni Alan Peter Cayetano na nakatakdang tumakbo bilang kongresista.

"(Special Assistant to the President Christopher) Bong (Go), tawagan mo nga si Teddy Boy Locsin, sabihin mo kung pwede bang i-mention niya pangalan dito?" sabi ni Duterte habang inaatasan si Go sa kanyang press conference matapos dumating mula sa kanyang biyahe sa Bali, Indonesia.

Nauna nang inihayag ni Duterte na anim na miyembro ng kanyang Gabinete ang magbibitiw, kabilang sina Cayetano, Go at onleave Presidential Spokesperson Harry Roque para tumakbo sa 2019 midterm elections.

Nakatakdang bumalik si Cayetano sa Kamara kapalit ng kanyang kapatid na si Taguig Rep. Pia Cayetano na magbabalik naman sa Senado. Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.