11 pusher patay sa Bulacan ops

Bandera (Mindanao) - - News -

PATAY ang 11 pinaghihinalaang pusher sa dalawang linggong operasyon sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Bulacan, sabi ni Senior Supt. Chito Bersaluna, Bulacan police director.

Sinabi ng pulisya na napatay sina Nestor Santos at Melvin Corilan, na kapwa pinaghi- hinalaang tulak sa bayan ng Baliwag matapos makaengkuwentro ang mga pulis ganap na ala-1:50 ng umaga noong Huwebes.

Ala-1:30 ng hapon noong Miyerkules, napatay naman ang isang nakilalang Joseph sa isinagawang buy bust operation sa Meycauayan City. Napatay rin ang isang “Trikie” sa buy bust operation sa San Jose Monte City alas-11 ng gabi noong Sabado.

Alas-11:50 ng gabi noong Oktubre 4, napatay ang suspek na si “Oliver” sa buy bust sa bayan ng Pulilan, samantalang napatay si Ferly Dela Cruz sa Malolos City alas-10:25 ng gabi.—Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.