Carpio tinanggap nominasyon sa CJ

Bandera (Mindanao) - - News -

TINANGGAP ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang nominasyon sa kaniya upang maging chief justice ng Korte Suprema.

Itinalaga si Carpio sa Korte Suprema noong Oktubre 2001 at ang kauna-unahang unang appointee ni dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo.

Si Carpio ang ikatlong SC justice na tumanggap sa nominasyon para sa CJ post.

Una nang tinanggap nina Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta ang nominasyon.

Nagretiro noong Miyerkules si Chief Justice Teresita de Castro nang umabot sa mandatory retirement age na. Siya ang pinakamaiksing chief justice sa kasaysayan.

Nagsilbi lamang siya nang mahigit isang buwan.—Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.