KRIS IPINAKITA SA PUBLIKO ANG EPEKTO NG AUTOIMMUNE DISEASE

Bandera (Mindanao) - - News -

PINALAKPAKAN at hinangaan ng kanyang mga co-stars sa mediacon ng bagong Kapamilya serye na Los Bastardos ang hunk actor na si Diego Loyzaga.

Tungkol sa mga bastardo o anak sa labas ang kuwento ng Precious Hearts Romances Presents Los Bastardos, at natanong nga si Diego kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role sa programa dahil nga malapit ito sa tunay niyang buhay.

“Hindi. I accepted. There’s nothing wrong with it. Walang problema sa akin iyong titulo. Dahil ba sa bastardo ako? What’s the problem there? There’s no problem there," simulang pahayag ng anak ni Teresa Loyzaga kay Cesar Montano.

Pagpapatuloy pa ni Diego, “Tulad na nga ng sinabi natin, kaya nga nabuo ang istoryang ito, the reality, dude, is there really is a lot of people who are bastards out there. Who go through these walks in life na kailangang pagdaanan ang mga ganito.”

Kasunod nito ang malakas na palakpakan ng mga kasamahan ni Diego sa Los Bastardos kabilang na ang mga gaganap na half-brothers niya sa serye na sina Joshua Colet, Jake Cuenca, Albie Casino at Marco Gumabao. Humanga rin sa sagot ng aktor ang ilang miyembro ng entertainment press at bloggers sa sagot niya.

Hirit pa niya, “It’s not about the women this time. It’s about the guys, the struggles, what guys go through from different walks of life. So, what’s wrong with it? Nothing.

"For me, it’s good. I’m happy na ako yung isang napili to be one of the bastards. The show, my walk of life, being a bastard. I’m happy to be here,” aniya pa.

Si Diego ang isa sa limang magkakapatid sa ama ang mag-aagawan ng karapatan para sa mana, kapangyarihan, at pamilya sa Los Bastardos na mapapanood na sa ABSCBN Kapamilya

Gold simula sa Okt. 15. Hango ito sa Cardinal Bastards series ng Precious Hearts Romances, ang “Los Bastardos” na sesentro sa pamilya Cardinal na pinangungunahan ni Don Roman Cardinal, na gagampanan ni Ronaldo Valdez.

Kasama rin dito sina Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina, Ritz Azul, Kylie Verzosa, Perla Bautista, Jeffrey Santos, Isabel Rivas, Lito Pimentel, Rosanna Roces at marami pang iba, sa direksyon nina Raymond Ocampo at Digo Ricio. ❏❏❏ Ipinaliwanag ng Social Media Queen na si Kris Aquino ang ilang detalye tungkol sa kanyang sakit na Chronic Spontaneous Urticaria). Nagpost siya sa Instagram ng isang infographics mula sa website na novartis.co.uk kung saan makikita ang symptoms at complications nito at kung paano magagamot ang autoimmune disease.

Ipinakita rin ni Kris sa isa pa niyang IG post ang naging epekto sa kanya ng kanyang sakit, kabilang na nga riyan ang matinding pamumula ng balat at paglabas ng malalaking pantal sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Narito ang kumpletong IG post ng mommy nina Joshua at Bimby.

"I’m directly quoting my physician: ‘The results are consistent with Chronic Spontaneous Urticaria; likely autoimmune in view of the positive thyroid autoantibodies.’ Since childhood, i’ve known i was severely allergic to several types of medication.

"Environmental allergens started triggering what i thought was just allergic rhinitis, sore throat, and skin asthma in my late 20s.

"I was told during my 2015 medical evaluation to have my thyroid autoantibodies closely monitored. Every year since then the count continued to rise, and this September they reached a critical level.

"I’m 100% aware that millions of Filipinos work here & all over the world in the medical field; there’s research online to explain the significance of my disclosure.

"I do not have the same right to privacy as others because my work is dependent on the public’s patronage & goodwill, that’s why i chose to be upfront rather than subject myself & my family to misinformed speculation.

"Unless there’s something i can share to raise awareness on how to deal with & treat autoimmune disorders for the many others who suffer from them, this is the last i’d like to post about my condition.

"This ailment shouldn’t confine or define me, but’s a valid, medically confirmed diagnosis about my physical limitations. There’s a quote i find inspiring, ‘I will show you that surviving can be beautiful.’ #laban." – EAS

KRIS AQUINO

DIEGO LOYZAGA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.