SEXY ACTRESS BUMALIK SA PAGBEBENTA NG KATAWAN KAYA NILAYASAN NG ASAWA

Jason pasadong contestant sa Super Sireyna ng ‘EB’

Bandera (Mindanao) - - News - Ga ba ng daDabarkads ang er para magang co-host ni sa BY AMBET NABUS

ga Tumulak

ame

Wo-

Graduate kasi g Bachelor of Science in Child Dev e l o pment and Education Minor in Special Education ang dalaga at bago pa iya pasukin showbiz ay agi na siya ng hing sa public

ew ng GMA, ost-actress na a sa showbiz, i niya iiwan , ito’y sa pamamagitan

NU’NG huli naming makausap si Rayver Cruz sa mediacon ng bagong musical variety show ng GMA na Studio 7, in high heavens ito sa pagsasabing para raw siyang nagsisimula uli bilang artista.

Then days after, muli itong humarap sa press para naman sa grand launch ng bagong afternoon serye ng

GMA na Asawa Ko, Karibal Ko. Pero bago pa sila pormal na nakipagtsikahan sa mga reporter, nakorner na namin siya sa lobby ng 17th floor ng GMA 7.

"Aaminin ko, naeenjoy ko talaga ngayon ang mga event na ganito. Parang baguhan lang ang peg," ang natatawa niyang sagot sa pangungumusta namin sa sunud-sunod na projects niya sa Kapuso Network.

Bidang-bida nga naman ang postura at aura ni Rayver sa kanyang suit that night. Pang-leading man na talaga kumbaga. Makakasama niya sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Jason Abalos, Kris Bernal at Thea Tolentino. Sabi ni Rayver "super worth it," ang ginawa niyang paglipat sa GMA, "Alam n‘yo naman pong ito talaga ang gusto kong gawin. Ang umarte, sumayaw at magtrabaho lang nang magtrabaho."

Sa bagong challenging role na gagampanan ni Rayver sa una niyang serye sa GMA, umaasa kaming mas marami pang pinto ang magbubukas para sa kanyang showbiz career.

❏❏❏

Speaking of Jason Abalos, tunay namang nakakagulat ang transformation niya bilang isang transgender sa

Asawa Ko, Karibal Ko.

Mag-asawa ang role nila ni Kris Bernal sa kuwento pero mabubuking nga ang tunay niyang pagkatao at mai-involve sa kapwa niyang lalaki na gagampanan ng hunk model na si Matthias Rhoads.

Kung paano itong gagampanan ni Jason, yan ang masarap abangan lalo pa't ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya bilang all-out bading.

Pero in fairness, ang ganda-ganda pala ni Jason kung naging babae siya. Sa trailer kasi ng serye, ipinakita kung paano siyang nag-transform bilang transwoman. Sabi nga namin, pwedeng-pwede siyang sumali sa Super Sireyna ng Eat Bulaga. Ha-hahaha!

Sayang nga lang dahil maaga kaming umalis sa presscon kaya't hindi namin narinig ang mga tsika niya kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role at kung sino ang peg niya sa pagiging transgender? Given na ang husay ni Kris sa pagganap lalo na sa mga mga complicated roles kaya kapag nakita uli namin siya sa aming "eskuwelahan" sa Faces And Curves sigurdong umaatikabong tsikahan ang aming gagawin tungkol sa bago nilang serye. Alam mo iyan Kris! Ha-hahaha!

❏❏❏

Isa ang maganda at seksing aktres sa mga napapabalitang hiwalay na sa asawa.

Kung dati-rati ay pumapatol ito sa mga tsismis tungkol sa kanyang personal life, kataka-takang tahimik at dedma lang ito sa pang-iintriga sa kanya.

Hanggang sa isang umpukan ng mga personalidad na kilala sa isang larangan ay napag-usapan ang maganda at seksing aktres.

Diumano, nabuking daw yata ng asawa nito ang ginawang pagrampa

ng seksing misis sa opisina ng isang napakayaman at maimpluwensyang businessman sa bansa.

Ang rampahang sinasabi ay may kaugnayan sa escort service (out of the country) kasama ang iba pang personalidad gaya ng mga beauty queen, models at iba pa. Dati pa raw itong ginagawa ng seksing aktres lalo na nu’ng kasikatan niya. Pero hanggang sa magkaasawa at magkaanak daw pala ito ay tuloy pa rin ang kanyang pagraket sa escort service business lalo pa't hindi na masyadong bongga ang kanyang career.

Kung isa man daw ‘yun sa mga rason ng napapabalitang break-up, tayo na raw po ang mag-isip dahil ang tsismis, sa ganung mundo rin naman daw galing ang asawa ng seksing aktres? Ay, kalurkey!!!

RAYVER CRUZ AT KRIS BERNAL

JASON ABALOS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.