ARJO KAY MAINE: MAGKASUNDO PO KAMI, MASARAP SIYANG KASAMA...

Bandera (Mindanao) - - News - BY REGGEE BONOAN MAINE MENDOZA, VIC SOTTO AT COCO MARTIN

NANG lumabas ang litrato nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Pep.ph nitong Huwebes kung saan nakitang kumakain silang magkasama sa isang restraurant sa Makati

City ay naisip agad namin na mababash ang aktor ng fans dalaga.

Alam naman nating lahat na ang gusto nila para kay Maine ay si Alden Richards at wala nang iba pa. Lahat yata ng na-link kay Maine ay bina-bash nila sa social media.

Sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang magkakilala sina Arjo at Maine bago pa man sila mag-shoot para sa pelikulang "Jack Em Popoy: The PulisCredibles" na entry ng APT Entertainment, MZet Productions at CCM Films Productions sa 2018 MMFF na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.

At hindi rin sina Arjo at Maine ang magkatambal sa pelikula, si Coco ang love interest ng dalaga sa kuwento.

And for the record, hiwalay na si Arjo sa girlfriend niyang si Sam Rimondo na miyembro ng grupong Girltrend na napapanood sa It’s Showtime.

Kaya sa madaling salita, walang inagrabyado ang aktor at wala siyang sinaktang tao sa paglabas at pagkain nila together ni Maine sa isang resto.

Maayos ang paghihiwalay nina Arjo at Sam at magkaibigan pa rin sila until now.

Anyway, sa huling pagkikita namin ni Arjo, dalawang linggo na ang nakararaan ay natanong namin siya tungkol sa kanyang lovelife at kaagad siyang sumagot ng, “Malalaman mo, tita soon!” N apaisip na kami dahil parang iba na ang sagot ni Arjo kumpara sa dati niyang statement na, “Okay naman po kami, tita.”

Iyon pala ay may iba nang nagpapasaya sa binata ni Sylvia Sanchez, kaya sa tanong namin kung ano ba itong meryenda cena date nila ni Maine, “Friends talking lang po, tita. Magkasundo po kami,” kaswal na sagot ng binata.

Ano naman ang masasabi niya kay Maine? “Saka na po ‘yan tita.” Pero aniya masarap daw talagang kasama at kausap si Maine.

Napapatawa raw kasi lagi ni Maine si Arjo pag magkasama sila, kaya mukhang magkakasundo naman ang dalawa dahil pareho silang makuwento.

Sa tanong namin kung aware ba siya na maba-bash siya ng milyones na followers ni Maine, “Aware but point is they don’t know anymag-shooting thing.”

Hmmmm, sila na nga kaya? Ano sa palagay mo, bossing Ervin? (Naku, Regs, wait na lang tayo sa official nilang pagamin dahil baka ako pa ang ma-bash! Ha-hahaha! - Ed).

Anyway, tapos na raw si Arjo "Jack Em Popoy: The PulisCredibles" at ang saya-saya niyang ikinuwentong, “Sobrang saya tita, masaya ang grupo ng APT.”

At siyempre super thankful din siya kay Coco dahil kung hindi dahil sa direktor-producer-aktor ay hindi siya mapapasama sa MMFF 2018.

Hindi maikakaila na mas lalong umangat ang career ni Arjo nang maging kontrabida siya ni Coco sa Ang Probinsyano. Mula noon, nagsunud-sunod na ang kanyang proyekto, kabilang na ang mga pelikula.

Sa katunayan, dahil sa dami ng trabaho niya ngayon ay may ilang movie offer na siyang tinanggihan dahil hindi na talaga kaya ng kanyang schedule.

ARJO ATAYDE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.